Nora Aunor, hanggang salita lang ang pagpapaopera sa lalamunan

Nora-AunorMARAMI TALAGA ang nag-abang noon kung matutupad ang huling sinabi ni Nora Aunor na matutuloy na nga ang pagpapaopera niya ng kanyang lalamunan sa ibang bansa para maging maayos na nga ang lahat. Pero tulad ng pangamba ng marami, hindi nga natuloy ang pagpapaopera ni Ate Guy ng kanyang lalamunan, na sinasabing magiging dahilan para manumbalik ang kanyang golden voice na hinangaan sa kanya noon bago siya kinilalang mahusay na aktres.

Hindi na rin lang nagtatanong ang mga nag-aabang sa mga kaganapan. Ilang ulit na rin kasing sinabi ng Superstar ang tungkol sa plano niyang pagpapaopera, pero hindi naman nga natutuloy. Ang naituturo tuloy na dahilan, dahil busy raw ang magaling na aktres sa kanyang mga bagong pelikula. Na totoo naman. Kasi nga, ito ‘yung panahon na napakasipag talaga ng mommy ni Ian de Leon na gumawa ng pelikula.

Pero napakaimportante pa rin daw talaga sa career ni Nora ang mapanumbalik ang kanyang boses, kaya dapat niya ring pagpursigehan na makapagpaopera na, para magkaalaman na kung maibabalik pa ba sa ayos ang lahat. Napakasuwerte nga ng Superstar, dahil matuloy na lang talaga ang kanyang pagpapaopera ay marami talaga ang willing na tumulong sa kanya. Ang kundisyon nga lang, dapat daw ay kung talagang kasado na ang plano tungkol sa pagpapaopera.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articlePolo Ravales, muntik nang malumpo
Next articleVilma Santos, mas pokus ngayon sa ginagawang pelikula kaysa sa plano sa pulitika

No posts to display