Nora Aunor, ‘di p’wede National Artist dahil nasangkot sa droga

ADVERTISING

Nora Aunor, ‘di p’wede National Artist dahil nasangkot sa droga

Nora-AunorHINDI PA rin matapus-tapos ang isyu ng National Artist na ‘yan ha?! Sumagot na pala si Pres. Noynoy Aquino, at deretsahan niyang sinagot na zero tolerance daw siya sa drugs.

Ang pagkakasangkot pala talaga ni Nora Aunor sa drugs issue ang dahilan kung bakit niya tinanggal sa hanay ng mga National Artists. Iyon ang dahilan kung bakit tingin niya hindi karapat-dapat na hiranging National Artist ang superstar.

Isa sa nag-react si Aiai delas Alas na lehitimong Vilmanian.

Sabi naman niya nu’ng humarap ito sa presscon ng concert nila ni Rico Puno na gaganapin sa Solaire sa July 25, kahit Vilmanian siya, kung tingin ng mas nakaaalam na karapat-dapat na ibigay kay Nora ang pagiging National Artist, dapat na ibigay sa kanya kahit dumaan ito sa  ganu’ng isyu gaya ng drugs, labas dapat ‘yun.

ADVERTISING

Pero kung ‘yun nag desisyon ng Pangulo, wala na tayong magagawa.

Tiyak na marami ang magri-react diyan, at ewan ko kung papayag diyan ang mga taga-academe.

Balak yata nila bukas na magkaroon ng forum kaugnay diyan, kaya tingnan natin kung mababago nila ang desisyon ng presidente.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING