Nora Aunor, ‘di pa sigurao sa “Walang Tulugan”

ADVERTISING

Nora Aunor, 'di pa sigurao sa "Walang Tulugan"

COURTESY OF TWITTER: SCORPIONE63
COURTESY OF TWITTER: SCORPIONE63

Napanood namin ang unang Sabado ng Master Showman Presents na wala na ang original host nito, and true enough, tinupad ng Superstar ng si Nora Aunor na itutuloy niya ang show ng matalik na kaibigan.

Pero siyempre, wala pang formal announcement from GMA Management if this will be regular na nga, pero base sa napanood namin, enjoy lang si La Aunor sa tawanan at kulitan with Shalala, at kinakausap pa nila si “Ney” (tawagan nina Kuya Germs at Ate Guy noon) sa “open space” nito sa seat nito!

Ride on lang sa kasiyahan ang co-hosts na sina John Nite, Jackielou Blanco, etc.

Matatandaang sa libing ng Master Showman ay nangako ito (Nora Aunor) na ipagpapatuloy nga ang show dahil alam nito kung gaano kahalaga at kaespesyal kay Kuya Germs ang show.

ADVERTISING

If ever, maganda ring opportunity dahil may weekly chance na makita ng Noranians ang kanilang idolo sa studio ng GMA, just like the old days.

Masaya ang episode na ‘yun dahil flashback galore ang chikahan ng mga guests na products ng That’s Entertainment like Smokey Manaloto, Keempee de Leon, Shirley Fuentes, Gladys Reyes, Sunshine Dizon, etc.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING