Nora Aunor, ‘di natulungan kaya ayaw sa isang presidentiable

ADVERTISING

Nora Aunor, ‘di natulungan kaya ayaw sa isang presidentiable

Nora-AunorKAHIT KALIAN, very vocal si Nora Aunor. Sa mga artista natin sa showbiz, isa marahil si Nora na masasabi ko na kung ano man ang pinaniniwalaan niya ay pinaninindigan niya.

Kaya nga ngayon na sampu-sampera ang mga offers sa mga artista na mag-endorso ng mga pulitiko sa darating na kampanya para sa May 2016 election, si Nora may president na napili.

Para kay Nora, si Sen. Grace Poe ang president para sa kanya. “Naniniwala ako sa kanya,” sabi ni mama Guy sa amin.

“Walang lumapit sa akin para i-endorse siya. Gusto ko siya na mamuno sa bansa natin,” kuwento niya sa amin sa set ng bagong teleserye ni Kris Bernal na Little Nanay kung saan she plays lola to Kris at asawa naman ni Bebol Roco.

ADVERTISING

How about VP Jejomar Binay? Isang tuwirang sagot ni Mama Guy sa amin: “May karanasan ako na hindi maganda sa kanya. Dumalaw ako sa kanya one time (sa Amerika); para humingi ng tulong para sa isang fan, humarap naman siya pero walang nangyari,” sabi ng aktres sa amin.

Hindi na idinetalye ni Mama Guy kung anong tulong ang hiningi niya. Pero ang karanasan na ‘yun na “masama” ayon sa description ng aktres ay sapat na para hindi niya iboto at iendorso si VP Binay.

Kung maaalala pa, the last progressive political move na ginawa ni Mama Guy based sa paniniwala niya ay ang pagsali niya sa isang anti-PNoy rally kasama ang ilang mga progresibong mga kaibigan niya na pinaniniwalaan niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING