Nora Aunor, ‘di na madedemanda ng producer ng indie film

ADVERTISING

Nora Aunor, ‘di na madedemanda ng producer ng indie film

Nora Aunor
Nora Aunor

Mabuti na rin at inayos na ni Nora Aunor ang problema niya sa kanyang producer, dahil ‘pag nagkataon ay baka magkatuluyan ng demandhan ang aktres at ang producer niya ng pelikulang “Balatkayo”.

From an insider mula sa kampo ni Nora Aunor, ipinarating nito sa amin na ipinagpatuloy na rin ng aktres ang kanyang trabaho para sa pelikula.

Last Tuesday ay nag-shooting si Nora Aunor para sa nasabing indie film na maagang natapos.

“Magaaga siyang dumating sa set kaya maaga ring natapos ang ekena niya. Mga 12 midnight yata, nakauwi na siya,” kuwento ng isang Noranian na siyang nagkukuwento sa amin sa mga kaganapan sa buhay ni Nora.

ADVERTISING

Ilang araw na rin lang naman ang binubuno ni Nora para sa pelikula niyang ito, dahil right after her shooting for “Balatkayo”, magsisimula naman siyang mag-shoot ng pelikulang “Hinulid” na balita namin ay sa Bicol ang shooting.

Pagkatapos ng project ni Nora for “Hinulid” ay pupunta siya sa Amerika para matuloy na rin sa wakas ang kanyang ilang taon nang naaantalang operasyon sa Boston, para manumbalik na kanyang boses.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING