Nora Aunor, dapat nang tanghaling National Artist!

Nora Aunor, dapat nang tanghaling National Artist!

Nora Aunor, dapat nang tanghaling National Artist!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh no… oh yes… now na!!! Yes na yes to the maximum authority of chikka nga-yong Monday, kaya naman don’t make your Monday a blue Monday, dahil ang mase-say ko talaga ay simula nu’ng dumating si Nora Aunor sa Pilipinas, siya talaga ang laman ng column ko. Bonggacious, ‘di ba? Na kahit hindi pa kami nagkikita nang personal.

Kaya naman, heto na ang pagkakataon kong manawagan at siyempre, ‘wag na nating ungkatin pa ang naging bad side niya, dahil alam ko namang talagang karapat-dapat si Nora Aunor na magkaroon ng ganitong award.

Dapat sa mga Noranians, magkaisa tayo na himukin nating ibigay na sa kanya ang National Artist award. Nararapat at karapat-dapat na makamit na niya ‘yan. Ang daming binigyan nu’ng isang taon ng award na ‘yan na hindi naman deserving sa kanila.

Ipaglaban nating mga Noranians, kung talagang mahal natin si Ate Guy. At siyempre, mananawagan din ako sa kinauukulan na kung sino ang nasa likod ng National Artist award, at kai-langan ko ang mga suporta n’yo. Kaya mga Noranians, ipaglaban natin ito, habang nandito pa si Nora Aunor sa ating bansa, at siyempre siguro ko ito ang isang makabuluhang hakbang natin for Ate Guy, ‘di ba?

Ano pang mase-sey nila rito? Tama naman talaga ang naiisip ko para maging good sides naman ang mapansin sa kanya, hindi kung anong puro ano ang nakikita sa kanya… kaya sana maisip nila na bigyan naman ng ganyan award si Ate Guy dahil marami na talaga siyang napatunayan. Tama na ang labanang Nora Aunor-Vilma Santos, tapusin na ‘yan.

 

AT BONGGACIOUS PALA na itong si Arnell Ignacio na a-king kaibigan na isa sa aking mga BFF ay pinagmalaki niya sa akin direct from Japan nakita sa aking profile pic sa FB ang picture ni Nora Aunor sa unang shooting day ng El Presidente na nakasuot pangkasal at way back 40’s pa ang kanyang buhok, na siya pala ang gumawa ng tatlong wig na gagamitin ng ating mahal na Superstar sa pelikula.

Matuk mo ‘yun na isang Arnell ang gumawa ng buhok ni Nora Aunor! According to Arnelli, isang karangalan na kahit hindi siya bayaran sa ginawa niya para kay Ate Guy. Siya pala ay true-blooded Noranian din.

Bongga talaga itong si Arnelli, naisip niya pa ‘yun. Ano kaya ang masasabi ng magagaling na stylist? Sa bagay, meron talaga siyang shop na pagawaan ng iba’t ibang klase ng buhok.

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong hunk actor na pinasikat na naman muli ng isang station at pinabalik dito sa Pilipinas dahil bongga ang offer sa kanya?

Kaya lang, ang nakakaloka dito, nakakaawa naman ang pamilya niya roon sa ibang bansa, at talagang sinasabi niya pa noon na mahal na mahal niya ang pamilya niya. Kaya lang ngayon, dahil malaki ang offer, pagtapak na pagtapak niya dito sa Pilipinas, chinika na niya na wala na raw sila ng asawa niya at nagkakalabuan na raw. Naku, ha?! Hindi magandang pangitain ‘yan!! Kaloka! Haha!

 

AYAN, FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding