Nora Aunor couldn’t return to the Philippines because of legal issues in the country?

ADVERTISING

 

Nora Aunor couldn’t return to the Philippines because of legal issues in the country?

ADVERTISING

Nora Aunor couldn’t return to the Philippines because of legal issues in the country?OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Thanks God it’s Friday at ratsada na naman tayo, dahil meron po akong online streaming na PINOY PARAZZI LIVE sa internet. Kaya naman, ano pa hinihintay n’yo? Manood na kayo! Kasama ko ang aking co-host na si Kristine Dera ng Yes!FM. More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka from yours truly…

Nakakawindang dahil isa na naman ako sa nagsulat na uuwi na nga sa Pilipinas si Nora Aunor. Naku, sabi ko na nga ba! Hindi na naman matutuloy ‘yan dahil nga sabi ko rin sa sarili ko, ‘pag hindi na talaga siya dumating, last na column ko na ‘to sa kanya.

At ito lang ang masasabi ko, dahil Noranian ako, na huwag na tayong umasa o magtiwala pa, na kung darating o hindi pa ba si Ate Guy. Dahil naaawa nga ako sa mga Noranians na nagpagawa pa talaga ng banner. At ang chismis nga ngayon, ay naku baka sabihin n’yo naman ay nilaglag ko si Ate Guy… na kaya hindi nga raw makauwi ngayon sa Pilipinas dahil may kaso raw ito sa ‘Pinas, at hindi na siya makakabalik ng ‘Tate.

ADVERTISING

Kaya kung ano man ‘yan, antayin na lang natin kung darating siya!!! Last na talaga ‘to! Pakkk!!!

HETO NA, DUMAKO na tayo sa isa pang pinakamainit na chikka dahil napakainit ngayon na bakit naman kaya si Manny Pacquiao ay hindi tinanggap na member ng MANILA POLO CLUB? At talagang inisnab siya talaga, ang dahilan nito ay preserve lifestyle daw at marami ang naka-misunderstood nito.

Pero bakit nila tinanggihan ito eh, nagsimula naman itong si Manny Pacquiao sa pagiging mahirap, ngayon super bongga na mukhang kaya naman yata niyang bilhin ‘yan, ‘di ba?

At ang eksena dito ay kaya hindi nga raw ito tinanggap ay marami daw kasa-kasamang bodyguard si Pacquiao. Dahilan ba ‘yun, ‘te? Hahaha!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong aktor na ito na akala ko, ‘te ay sobrang bait at sobrang wholesome effect? Dyowa niya pala talaga itong actress na ito na sikat na sikat din ‘te at may teleserye ngayon sa Kapamilya.

Ang chikka nga rito, ubod daw ng kayabangan pala itong lalaki na ito at mukhang gina-gamit lang niya ang dyowa niya, at pabili nang pabili ng kung anek-anek nu’ng nag-tour sila sa states. Naku, ‘te huh!

Ayaw ng mga Kapamilya ng ganyan… ginawa mo namang mamasan ‘yang jowa mo eh, bagets pa ‘yan… ‘yun na!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING