Nora Aunor & Christopher de Leon, balik-tambalan sa teledrama

Nora Aunor & Christopher de Leon, balik-tambalan sa teledrama

Nora Aunor & Christopher de Leon, balik-tambalan sa teledramaKUNG HINDI NGAYONG araw ay bukas ang tiyak nang pagdating ni Nora Aunor sa bansa mula sa Ame-rika. Kung bakit naantala nang mahigit isang linggo (she was reported to return last July 21) ang kanyang pagbabalik, totoo kayang it had a lot do with John Rendez’s papers that needed to be fixed?

Of course, John is Ate Guy’s rumoured sweetheart of several years na kasama niyang tumulak sa US, and now she’s coming home with him. Hindi na rin siguro dapat gawing isyu if “package deal” ang kanilang biyahe as financed by TV5, kung saan may kasado nang teledramang gagawin ang Superstar.

And guess with whom ang nakaabang nang project for Ate Guy? Ang dati niyang mister at ka-loveteam noon na si Christopher de Leon. Nope, this is not a TV adaptation of Banaue, but it’s an ideal material that both Guy and Boyet cannot resist, the monetary offer notwithstanding.

Sa na-eavesdrop kong pakikipag-usap ni Lolit Solis, ma-nager ni Boyet, sa isang taga-TV5 ay excited ang award-winning actor to work with Nora again.

Kaya sa ‘yo, Ate Guy, welcome back. You’re making another history in Philippine TV.

 

HERE’S THE IRONY.  Sa text message na ipinadala sa amin ni Willie Fernandez, a dyed-in-the-wool Vilmanian, sinabi nito na nanguna raw si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa poll ng balitangamerica.com sa survey question kung Vilmanian o Noranian ka ba?

Umabot daw sa 62% ang mga bumotong Vilmanian respondents vis a vis the Noranians with 38%. Si Ate Vi rin ang itinanghal na isa sa 25 Most Influential Leaders in Philippine politics.

Needless to say, ang banggaang Vilma-Nora o Nora-Vilma is very 70s, both superstars have matured as their respective followers. At kung meron mang isa sa mga natutuwa sa pagbabalik ni Ate Guy ay si Ate Vi ‘yon who’s also looking forward to getting reunited with her former arch rival on the wide-screen.

 

TAMPOK SI TETCHIE Agbayani sa Face To Face ngayong Lunes. Herself a psychology professor at St. Joseph’s College, kayanin kaya ng powers ni La Tetcha ang episode na pinamagatang Mister Nalilito Kung Ilan Pang Lalaki Mayroon Ang Misis Niya Maliban Sa Kanya?

Batay ito sa kuwento ni Dodong laban sa asawang si Mary Jean, na umamin naman sa pagkakaroon niya ng extra-ma-rital affairs kina JohnJohn at Makoy. Pero katwiran ng hitad, hindi na nga raw siya sinusustentuhan ni Dodong ay sinasaktan pa siya. Pero sa huli, balot ng emosyon ang episode nang magbigay ng mensahe ang anak nina Dodong at Mary Jean.

Abangan naman bukas episode na kinunan sa Orion, Bataan, ang Huli Sa Akto Si Mister Na Nakikipaghalikan Kay Kumare Sa Madilim Sa Iskinita, Kaya’t Si Misis Ay Nagwawala! Himutok ni Marissa, of all na puwede raw pumatol sa kanyang asawang si Jerry ay kumare pa niyang si Inday.

Ang ipinagsisintir pa ni Marissa, sa anim na taon daw ni-lang pagsasama ni Jerry ay mas malaki pa ang ginigibsung nito sa kanyang escabeche (kabit, gagah!). O, siya, brace yourselves for another wave of tacky episodes this week ng naturang talakserye on TV!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III