Nora Aunor, buma-balimbing na naman?

Nora Aunor, buma-balimbing na naman?

Nora-AunorMAUULIT NA naman ba ng pagbabalimbing ni Nora Aunor?

Parang history repeat itself sa kaso ng aktres noon with former President Joseph Estrada na naging dahilan para akusahan siya na walang utang na loob?

Ang alam ko, may pangako si Kris Aquino sa kanya na ito ang sasagot sa roundtrip airfare niya papuntang Boston, Massachusetts sa Amerika para magpa-opera nang minsan mag-guest siya sa The Buzz. Parang regalo ni Kris ito sa kanya.

Sa katunayan, maging si Boy Abunda, nag-pledge din na tutulong sa Superstar para maoperahan na siya sa kanyang problema sa kanyang lalamunan, reason kung bakit until now ay hindi pa rin maaaring kumanta ang singer-aktres, lalo pa’t ito ang puhunan din niya aside from being a good actress.

Pero kamuka’t muka’t mo, after ng promise ni Kris (na ewan ko kung tutuparin pa niya); si Guy ay sumali sa kilos protesta sa ika- 20 anibersaryo ng kamatayan ng dating OFW na si Flor Contemplacion, kung saan ginampanan niya ang role para sa isang pelikula noon. Sa ibabaw ng entablado, sumampa si Guy at nagsalita against PNoy at sabi nga ay dapat lumayas bilang president at isa rin siya sa mga Pilipinong dismayado sa pamunuan ng kapatid ni Kris na siyang sponsor ng kanyang plane ticket patungong Boston.

Akala ko nga, noong Friday, sa rally sa Mendiola against PNoy para patalsikin ito ay andu’n si Guy. Pero wala ang aktres that afternoon.

May nakapagsabi sa amin na nasa Ilocos daw ito at hindi na muna sinipot ang rally para naman sa imbitasyon ng mga Marcos na balwarte nila.

Reyted K
By RK VillaCorta