Nora Aunor, balak idemanda ng producer ng kanyang indie film na “Kabisera”

ADVERTISING

Nora Aunor, balak idemanda ng producer ng kanyang indie film na "Kabisera"

Nora Aunor
Nora Aunor

Ano ba ang nangyayari sa dating Superstar na si Nora Aunor?

Heto’t katatapos lang niyang mag-celebrate ng kanyang ika-63 birthday, kung saan nagkaroon ng konting happenings ang Noranians na nag-ambag-ambag para bigyan siya ng simple at payak na selebrasyon sa Max’s Eastwood sa Libis, Quezon City, heto’t isang demanda naman diumano ang nakaamba para sa aktres dahil hindi niya sinisipot ang shooting ng isang indie film na “Kabisera” na siya ang bida.

Kuwento sa amin ng isang solid Noranian na reporter na tumanda sa sa pagho-hosana sa aktres na nagpa-plano na raw ang film producer ng pelikula ni Nora Aunor na sampahan siya ng demanda.

Hind kasi sinisipot ng aktres ang kanyang shooting. Mayroon siyang obligasyon na dapat tuparin sa naturang producer, pero dine-deama niya.

ADVERTISING

Ayon sa diehard Noranian na entertainment reporter na updated sa mga kaganapan sa “karir” ni Nora, nangako raw ito na sisipot sa shooting ng pelikula after ng kaarawan niya last May 21. Pero ang nangyari, nagkagastos lang ang producer sa eqiupments rental at sa artistang kasamahan ni Nora noong araw na ‘yun, dahil wala nga ang main star ng pelikula at isang big scene ang kukunan.

Sa balitang nasagap namin, ang rason naman ngayon diumao ni Guy kaya hindi niya nasipot ang shooting (after her birthday) ay dahil masama ang pakiramdam niya.

Kung sa bagay, hindi na bago ito kay Nora na mapabalita na hindi siya sumisipot sa kanyang commitment, at kapag nagkasisihan na, kung anu-anong rason naman ang ibinibigay niya.

Ewan ko ba, marami pa rin mga baguhang producers na gusto siyang tulungan para makabangon (kahit alam ko na waley na talagang mangyayari at tapos na ang Nora Aunor era), marami pa rin ang nagmamahal sa aktres, pero paulit-ulit na lang ang problema na wala na talagang katapusan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING