Nora Aunor at Sarah Geronimo, magsasama sa isang pelikula?!

ADVERTISING

 Nora Aunor at Sarah Geronimo, magsasama sa isang pelikula?!

 Nora Aunor at Sarah Geronimo, magsasama sa isang pelikula?!
OLA CHIKKA NOW
na! Thank God it’s Friday! Nagtataka ang yours truly Tita Swarding dahil kahit alam nating lahat na purong dugong Noranian ako ay never pang naimbita sa kahit anong press conference ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISING

Magkagayunman, suportado ko pa rin at handang ipagtanggol sa lahat ng handang manira kay Guy dahil ‘di ako magsasawang ulitin na dikdikin man ako ng pinung-pino at igiling man ako ay du-gong Noranian pa rin ang dadaloy sa aking dugo.

Kitang kita naman sa aking Facebook account ang mga updates bago pa lang siya dumating dito sa Pilipinas hanggang  ngayon sa unang araw ng kanyang shooting ng El Presidente at sa Kapatid Network na akin ngayong default picture sa Facebook.

Bising-busy ngayon ang Superstar Nora Aunor pati na rin ang manager and at the same time friend na si Kuya Germs dahil hindi lang pala ang movie na gagawin nito under Mother Lily Monteverde na isasali sa Metro Manila Film Festival at ang ginagawang mini-series sa Kapatid Network ang pinagkakaabalahan, kundi ang isa pang project na pagsasamahan nila ng Pop Princess Sarah Geronimo na co-produced ng Viva Films, GMA Films at Regal Entertainment. Oh, ‘di ba?

ADVERTISING

Bonggacious talaga ang inyong Superstar dahil maraming handang nakapila para sa kanyang serbisyo ultimo ang Regal Entertainment ay agad-agad kumikilos upang maihanda agad ang lahat ng kakailanganin sa produksyon ng gagawing project ng Superstar.

Tuwang-tuwa din ngayon ang mga fanatic ng Pop Princess dahil Superstar ba naman ang makakasama ng kanilang idol e. at ito nga’y karangalan para sa lahat ng artistang makakasama ng nag-iisang Superstar.

Ibang klase nga naman ang karisma ng Superstar dahil maski ang dugong Vilmanian na si Rosanna Roces o mas kilalang Osang ay humanga sa kanyang ugali. Masayang ibinahagi ni Osang sa Celebrity Night ng National Press Club ang kanyang karanasan sa Superstar dahil si Nora Aunor pa raw mismo ang lumapit at mapagkumbabang nagpakilala sa kanya na naganap sa isang meeting sa bakuran ng TV5 kasama sina Direk Mario O’Hara, wri-ters at main cast ng mini-series.

Oh, ‘di ba? Ibang-iba nga talaga si Guy sa lahat ng artista dahil kahit alam n’yang sya’y sikat at nag-iisang Superstar ay handa siyang magpaka-humble sa kapwa-artista! PAK!

 

BLIND ITEM! PITIK-BULAG! Da hu itong isa sa mga big boss ng isa sa mala-king network na may kinakasama raw na hunk actor?! Wiz na ko magbibigay ng clue dahil nakakalurky talaga! ‘Yun na!

 

Ayan for more chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING