Nora Aunor at John Lloyd Cruz, magsasama sa MMK

ADVERTISING

Nora Aunor at John Lloyd Cruz, magsasama sa MMK

John-Lloyd-Cruz-Nora-AunorTIYAK NA matutuwa ang mga fans ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor oras na matuloy na nga ang pagkakaroon ng Maalaala Mo Kaya nito. Maugong kasi ang tsika na si John Lloyd Cruz nga ang kanyang makasasama. Mukhang malinaw naman ang lahat, dahil nga may tatlong episode pa si JLC sa MMK.

ADVERTISING

Mukhang hindi pa rin talaga namamahinga ang ang Superstar dahil nga bukod sa MMK project, may ginagawa pa rin siyang Kabisera at La Mamadre na rito ay gaganap siyang isang tibo o lesbian.

Ratsada nga siya at sana lang ay magkaroon siya ng mainstream movie na talagang tatabo sa takilya na tulad noong kabataan niya. Sana lang ay maipareha siya sa mga box-office star like Toni Gonzaga, Kim Chiu, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, at Vice Ganda.

Sabi nga, kung may cash money ang mga awards ni Ate Guy, tiyak na milyonaryang-milyonarya na siya ngayon.

ADVERTISING

Sana dumating ang mga projects na ‘yan. Tama na ang mga indie films. An’dami pang nakatenggang mga movie niya na ‘indi’ pa naipalalabas.

At buti na lang sa opening ng Cinemalaya ay ang Taklub ang opening salvo.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING