Nora Aunor’s broken promises!

ADVERTISING

 

Nora Aunor’s broken promises!

ADVERTISING

Nora Aunor’s broken promises!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes! Thanks God it’s Friday na naman to the maximum authority, at siyempre huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa.

Kaya nakakaloka ang mga eksena at chikka ngayon na ibinalita ko nga sa inyo noong nakaraan, na tuloy na tuloy na ang pag-uwi ni Nora Aunor ngayong darating na kaarawan niya. Pero ngayon, hindi na naman daw matutuloy ang eksena!

Nakakaloka talaga dahil sabi nga ni Ate Guy, may theraphy pa raw siya at marami pa siyang commitment. ‘Di ba, mawiwindang ka talaga?! Dahil bakit puro OPM (oh, promise me) ang eksena niya? Ano na lang kaya ang masasabi ng mga fans niya sa kanya dahil sa mga eksenang ipinakita niya? Isa na nga ako du’n, ‘di ba?

ADVERTISING

At siyempre, talagang sabik na sabik sila kay Ate Guy na makita ito, ayan mauudlot na naman. Kailan na naman kaya ang susunod na sasabihin niyang uuwi siya?

 

HETO NAMAN ANG pinakamatinding isyu talaga ngayon na talaga namang bakit kasi nakikisali pa si Cong. Manny Pacquiao sa isyu ng RH Bill, na hindi man lang niya alam ang mga sinasabi niya. Kaya naman talagang mawiwindang ka talaga, dahil kahit si Sen. Miriam Santiago, inismol si Manny na wala naman daw talagang alam kung ano ang nangyayari.

Wala akong kinakampihan sa dalawa dahil may kanya-kanya tayong opinyon. Kaya lang kasi, bakit kongresista pa ang naging posisyon niya, puwede namang iba na lang. Dahil nga sa paggawa ng batas na hindi naman niya alam kung ano ang ibig sabihin. Kaya nga ganu’n ang resbak ni Sen. Santiago, na ang sey niya ay mag-boxing na lang si Manny at huwag nang makisawsaw sa RH Bill.

Kaya pati si Mommy Dionesia ay hindi napigilan ang magsalita at makialam sa mga isyu. Kaya ang lumalabas ngayon, si Mommy Dionesia vs. Sen. Santiago. Maloloka ka talaga sa Earth! Kaya alamin muna natin ang mga eksena bago tayo makisali at iba na lang dapat ang pagtuunan nila ng pansin… ‘di ba? Pak!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong male singer na ‘to? Ayan nagbigay agad ako ng clue, wala pang isyu. Heto nga, may nakapag-chikka sa atin na itong si male singer ay hard yosi to death talaga, at with matching nanghihingi na lang siya sa ca-meraman, o kung sino man ang makita niyang nagyoyosi sa set.

Kaya naman maloloka ka, kasi naman ang saying ng mga cameraman ay ang laki naman ng kinikita nitong singer na ‘to, pero walang pambili ng yosi… ooopss! Bakit nga ba?

Ayan kasi, pinagbabawalan na nga siya ng magulang niya dahil nga sa mga eksena na malakas daw itong magyosi at baka masita ang boses niya. Pati nga lahat ng ashtray sa bahay nila ay pinatatanggal ng magulang niya, kaya lang ‘pag borlogs na raw ang mga magulang nito, hard yosi na raw at puno na ang ashtray pagkagising ng magulang.

Grabe naman ang pagkaadik sa sigarilyo nitong male singer na ‘to, dapat mapigilan ito, dahil iyon na nga lang ang panlaban niya sa face value na mukhang wala. Hahaha!

Clue: ‘Pag kumakanta ito ay singhot nang singhot. Hahaha! Nakakaloka, ‘di ba?

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING