Noontime show ni Willie Revillame, papalitan na?! – Tita Swarding

Noontime show ni Willie Revillame, papalitan na?! - Tita Swarding

Noontime show ni Willie Revillame, papalitan na?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! SA binitawang pahayag ng People’s Champ na si Manny Pacquiao tungkol sa isyung namamagitan sa kanila ng sexy actress na si Krista Ranillo. binatikos si Manny ng karamihan at marami ang naniniwala na may malalim ngang namamagitan sa kanilang dalawa. Taliwas nga sa pahayag ni Manny na magkaibigan lang sila ni Krista.

Bukod sa mga intrigang ibinabaton sa kanila, meron ding mga pruweba na mga larawan kung saan nagsasabi ng katotohanang nagkikita nga ang dalawa, at halos magkasama ang mga ito, pati nga raw sa mga nakaraang training ng Pambansang Kamao bago ito lumaban kay Cotto.

Pero ang nakarating na chikka sa akin, nasa bansa na raw pala ang tinaguriang Pambansang K, huh?! Hindi lang daw ito naispatan ng mga reporter dahil nagpalit ito ng flight at oras. Philippine Airlines pa raw ang eroplanong sinakyan ng hitad.

Dagdag pa ng aking parazzi girl, hindi na raw magbibigay ng pahayag si Krista, at wala naman daw itong ipaliliwanag at ipinagtanggol na raw siya ng lalaking nali-link sa kanya. Masaya na raw ang kampo ngayon ng sexy actress dahil sa wakas, ipinagtanggol nga raw siya ng Pambansang Kamao. Kaya wala na raw ipaliliwanag pa si Krista sa lahat. Hahayaan na lang daw nitong manahimik na ang isyu. Ano raw? Kalerke, ha? Hahaha! ‘Yun na!

NAKAUSAP KO ANG manager ng grupong Nitro Girls na si Luvie Gamao tungkol sa eskandalong pinasukan ng kanyang alagang si Crissa. Pero ayaw magsalita ng manager ng hitad tungkol sa isyu. Kakausapin daw muna niya ang alaga. Pero pumayag na ma-live interview ko ito sa unang pagkakataon sa aking programa sa DZRH ngayong linggo. Kaya abangan ang mga pasabog ng babaeng ito tungkol sa alaga ng kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na si Lolit Solis. Anong pasabog kaya ito? ‘Yun na!

NAKU, HA?! ANO na naman itong nakarating sa akin na may naaamoy raw na hindi maganda ang pamunuan ng ABS-CBN sa nangyayari sa programang Wowowee. Yes, trulili, mga kafatid!

Dahil may halikan  isyu na namang pinagpipiyestahan ngayon na kagagawan ng TV host kuning-kuning na si Willie Revillame, kung saan pinapag-halikan niya ang dalawang lalaki, huh! Kalerke, ha?!

Dagdag pa, tila patuloy na bumababa ang rating nito kaya pinag-iisipan na raw ng pamunuan na papalitan ang pangtanghaling show at may pinabobonggang programa ang ABS-CBN diumano na ipapalit sa programang Wowowee. Hmmm… kaloka! Anong programa kaya ito? Hmmm… may na-smell na ako d’yan. ‘Yun na!

GUSTO KO LANG pasalamatan kahit patapos na ang aking kaarawan at patuloy pa rin ang pagbati ng belated happy birthday sa akin ng aking mga kaibigan, na hanggang ngayon ay nand’yan pa rin at sumusuporta sa akin. Maraming salamat po, lalo na kina Sen. Loren Legarda, Sen. Jamby Madrigal, Jun Jun and Rose Bulgary, ang kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na si Boy Abunda, ang Jukebox Queen na si Imelda Papin, Purita Cabauatan, ang beauty expert na si Ellen Lising, Vice-Mayor Mar Bacani, Konsehal Aiko Melendez, Madam Venus, Dr. and Dra. Felix, Mayor Joan Ararilya ng Meycauayan, Bulacan… maraming salamat po sa inyo!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding