Noontime show ni Anne Curtis, apektado ng Dyesebel?

ADVERTISING

Noontime show ni Anne Curtis, apektado ng Dyesebel?

Anne-CurtisSAYANG AT wala ako sa haybols nang mag-ending last Friday ng sinusunndan kong pantaseryeng Mirabella.

Ano kaya ang kinahinatnan ng buhay magkapatid nina Mira played by Julia Barretto at Irish played by by Mika dela Cruz? The last episode that I saw was noong Thursday kung saan pumayag si Mira na i-donate ang kanyang liver dahil nanganib ang buhay ng half-sister niya.

Come July 18, ‘yong sinusubaybayan naming Dyesebel ay magtatapos na rin. Sayang, dalawa sa mga palabas ng Kapamilya Network na naging fan kami ay nawala na (Mirabella) at mawawala na rin (Dyesebel).

Hindi pa man sinasabi ng ABS-CBN na mag-e-ending na ang pantaserye ni Anne Curtis with Gerald Anderson and Sam Milby dahill ipapasok na ang bagong show ni Piolo Pascual with Iza Calzado, alam ko na may paghihinayang sa parte ni Anne lalo pa’t napamahal na sa kanya ang Dyesebel at ang mga kasamahang niyang artista.

ADVERTISING

Maging ang schedule niya, naging routine na yata na almost daily siya nagte-taping na next week baka mababago na ang aktibidades ng dalaga.

Pero sa pagkawala ng Dyesebel, sigurado akong magiging happy ang mga fans ni Anne sa It’s Showtime dahil muli na naman siyang mapapanood na aminin man ng dalaga (at ng production staff), nakaapekto kahit papaano sa rating ng noontime show mula nang palagiang uma-absent si Anne para mag-give-in sa kanyang pantaserye tapings.

Totoo kaya ‘yong tsika na kaya tinatapos na ang Dyesebel dahil para makabalik na si Anne sa noontime show with Vice Ganda, Karylle, Vhong Navarro and Jong Hilario, dahil nakaapekto sa rating ng show ang absence ng dalaga?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING