Noong estudyante pa: Sikat na aktres, nanunugod ng girl na lumalandi sa kanyang dyowa sa gitna ng flag ceremony

ADVERTISING

BLIND ITEM: Sa sinehan, ang sinumang hindi tumayo bago mag-last full show sa saliw ng Pambansang Awit ay sinisita, kundi man may kaukulang parusa.

Pero kakaiba ang kuwento tungkol sa isang sikat na aktres na ito na hindi na iginalang ang flag ceremony sa dating pinapasukang paaralan.

ADVERTISING

Ang siste, kapag namataan daw ng aktres ang sinumang babaeng kamag-aral kahit taga-ibang section na lumalandi raw sa kanyang nobyo ay susugurin niya ito sa pila, iiskandaluhin at pagmumurahin kesehodang nasa kalagitnaan ng flag ceremony.

Shocked tuloy ang buong studentry at faculty members ng eskuwelahan sa kawalan ng aktres ng respeto sa ating watawat.

Da who ang aktres na ito na dapat isabit nang patiwarik sa tuktok ng flag pole? Itago na lang natin siya sa neymsung na Pamela  Rio.

ADVERTISING

 

by Ronnie Carrasco

ADVERTISING