NO WEDDING BELLS YET: Paulo Avelino, segurista pagdating sa usaping ‘Kasal’!

ADVERTISING

NO WEDDING BELLS YET: Paulo Avelino, segurista pagdating sa usaping 'Kasal'!

NO WEDDING BELLS YET: Paulo Avelino, segurista pagdating sa usaping 'Kasal'!
Paulo Avelino

29 YEARS OLD na pala si Paulo Avelino. Edad kung saan ang mga lalaki ay nagpa-plano na ng pagbubuo nila ng pamilya at lumagay sa tahimik pero si Pau ay hindi nagmamadali.

Segurista ang aktor pero may time frame siya na ibininigay sa sarili na magde-decide siya within the next five years na pahayag niya sa grand presscon ng pelikulang Kasal kung saan he plays fiancee of Bea Alonzo na nasingitan naman ni Derek Ramsay.

Sabi ng aktor tungkol sa usaping kasal: “Not that I’m saying I won’t get married, hindi lang natin masabi. Hangga’t hindi pa dumadating ang tamang panahon to find the partner for you…” sabi niya sa media during the open forum.

Open naman si Paulo kahit noon tungkol sa mga relasyon niya.

ADVERTISING

Sa katunayan, may anak siya sa pagkabinata with actress LJ Reyes na ngayon naman ay kapartner ng aktor na si Paolo Contis.

Paniwala niya na kung sakali he enters a relationship at plano na niya magpakasal, dapat ay-ikonsidera niya na bukod sa handa na ang kanyang girlfriend or fiancee na magpakasal ay i-consider ang mga magulang ng ikakasal at both parties ay sang-ayon.

At tungkol sa usaping divorce na pinu-push ng mga makabagong Pinoys?

Say ni Paulo tungkol dito: “In all honesty, I’m quite confused yet about annulment and divorce. I don’t want to talk about something that I am not fully knowledgeable of. But since it was brought up, and it might happen in the Philippines I think it’s about time I should study it and give my opinions after.”

Aside from busy promoting his movie Kasal ay mayroon siyang afternoon teleserye with Julia Montes and Shaina Magdayao and by September naman ay showing na ang pelikula niya na “Goyo”.

Ang “Kasal” ay dinirek ni Ruel Bayani at showing na na sa darating na Wednesday, May 16.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING