No time for love: Christian Bautista chooses career over heart

ADVERTISING

No time for love: Christian Bautista chooses career over heart

No time for love: Christian Bautista chooses career over heartNAKAUSAP NAMIN SI Christian Bautista bago pa man ito tumulak papuntang Singapore para sa musical na pagsasamahan nila ni Karylle. Nagpapasalamat siya sa lahat ng suporta sa kanya ng mga Pilipino dahil matapos niyang mapasok ang Malaysia at Indonesia, ang Singapore naman ang susunod niyang paiibigin sa pamamagitan ng kanyang musika.

ADVERTISING

At dahil nga sa dami ng trabaho, inamin niyang ‘choice’ muna niyang isantabi ang usapin ng puso, dahil magpo-focus muna siya sa kanyang international career. Kusa naman daw itong darating at kapag dumating na ang takdang panahon para sa pag-ibig, tiniyak niyang bibigyan din niya ito ng karampatang oras.

So, abangan na lang natin ang The Kitchen Musical na ipalalabas din dito sa Setyembre.

 

ADVERTISING

PUMIRMA NA NG two-year, four-picture contract ang Babaeng Hampaslupa herself na si Alex Gonzaga sa Viva Films noong June 2, 2011. Isa ito sa katuparan ng mga pangarap ni Alex na nagsimulang mapansin ang galing sa pagho-host sa Juicy, sa pagpapatawa sa Loko Moko at Happy Together, at sa drama sa Babaeng Hampaslupa na extended hanggang first week of August dahil sa ganda ng takbo ng istorya.

Nakausap namin si Alex sa Bagong Pag-asa Elementary School sa Taytay, Rizal noong June 4, kung saan namigay siya ng mga school supplies kasama ang kanyang daddy na si Konsehal Carlito at ang kanilang Vice Mayor na si Janet de Leon-Mercado.

Ani Alex tungkol sa pagiging Viva Talent na niya, “Kasi nu’ng una ‘yan tinext ni Direk Wenn Deramas ang ate ko about sa ‘Gagay’ gusto ‘yan i-remake, pangarap ko ‘yun. ‘Yun talagang sinasabi ko na gusto ko talagang gawin ‘yung ‘Gagay’ dahil nga napanood ko ‘yun si Ms. Gelli de Belen. Tapos finorward naman sa akin ng ate ko, wow ate kaya lang wala naman tumatawag wala namang… parang hearsay lang kumbaga. Kahit si Direk Wenn na ang nagsabi thankful na ko nu’n, pero siyempre walang tumatawag… wala talagang meeting wala talagang pag-uusap. So ‘yun lang, waiting-waiting lang kami tapos hanggang sa finally tumawag nga, nakipag-meeting na sina Ms. June Rufino, Boss Vic, kasama mommy ko, at tsaka daddy ko tapos nu’ng nalaman ko, tinanong ko si mommy, mommy ako ba talaga ‘yung gusto nila… baka naman mamaya, iba. Tapos sabi niya dadalawa lang naman kayong mina-manage ko, ikaw at ang kapatid mo. Hindi naman p’wedeng ate ko dahil sa kabila, so ‘yun hanggang sa nag-contract signing.”

Kasama kaya sa kontrata niya ang pagpili rin niya ng mga leading men na makakasama? “Hindi. Kahit sino’ng ibigay sa akin ng Viva, kahit anong offer sa akin. Siyempre depende ‘yun sa mommy ko, pero ako willing ako kahit sino’ng makakasama, makatrabaho ko, baka mamaya hindi naman sila willing makasama ako, hahaha, so choosy pa ba ako? Hahaha!”

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 3 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING