No misunderstanding between Cristine Reyes and Banana Split cast?

No misunderstanding between Cristine Reyes and Banana Split cast?No misunderstanding between Cristine Reyes and Banana Split cast? SPEAKING OF banggit, sino naman kaya between Valerie Concepcion at Roxanne Guinoo ang binabanggit na posible diumanong nakausap ni Cristine Reyes kung saan nakapag-dialogue nga ang huli ng, “Sa akin naman ginagawa ngayon ang dating ginawa sa iyo?”

Kaugnay pa nga rin ito ng hindi mamatay-matay na isyu na mayroon nga raw hindi pagkakaunawaan ang ilang cast members ng Banana Split na two weeks na raw na hindi sinisipot ni Cristine ang taping?

Habang sinusulat namin ito, nakatanggap kami ng balitang mayroon nang namagitan kina Cristine at mga lead stars ng sitcom partikular kina Angelica Panganiban, Pokwang at RR Enriquez para tuldukan na ang isyu.

Hindi na raw ito nakatutulong at sinabi pang imbento lang ito ng ilan lalo pa’t may usaping contract-renewal nga raw sa panig ni Cristine? Hala!

PINANOOD TALAGA NAMIN ang ikalawang bugso ng leadership forum ng ANC last Sunday. Panalo ang galing ng mga sumaling ‘lider’ na posibleng lumahok sa 2010 national elections gaya nina dating Pangulong Erap Estrada, Senadora Loren Legarda, Makati Mayor Jejomar Binay at MMDA Chairman Bayani Fernando.

Pinakamagaling magpaliwanag sina Sen. Loren at Mayor Binay, pero mas konkreto ang mga halimbawang ibinibigay ng huli. Punumpuno pa rin ng karisma at nakaaaliw ang sense of humor ni dating Pangulong Estrada at napakahusay nitong makisabay sa usapan. Kitang-kita naman sa mga sagot ni BF na ‘batas’ para sa kanya ang pinagbabatayan ng lahat ng suliranin sa bansa.

Napakagandang palabas ang napanood nating lahat, pero ang suma total ng desisyon ay nasa atin siyempre. Pero kung ngayon ako pabobotohin ng Pangulo, naku, mayroon na akong isusulat sa balota ko base sa mga nakita, narinig at naramdaman ko mula sa mga lider na nabanggit.

ANO NGA BANG na-renew sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez para hindi matigil-tigil ang isyung nagkakaligawan sila? Pagkatapos nga kasi nilang magsalita after ng naging bonding nila sa party ng matagal nang natapos na I Love Betty La Fea, ‘eto at nababalita pa rin ang diumano’y ugnayan nila.

Last weekend nga, sumabog ang balitang si Lloydie ang tinutukoy na ‘ke bata-bata pang lalaki’ na diumano’y siyang dahilan ng paglayas ni Ruffa (kasama ang 2 anak) sa tahanan ng parents nito dahil nga nakaaway nito ang inang si Tita Annabelle Rama?

Napudpod na ang mga daliri namin sa katatawag kay Lloydie at sa mga namamahala ng karir nito pero hindi kami nakatanggap ng anuman.

Ano na nga ba ang nangyayari? Parang nakatulog kami sa pansitan sa isyung ito ha, Parazzi Dani?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

Previous articleDalawang sikat na singer/actor/TV host, huling-huling naglalampungan!
Next article‘Bagets,’ ‘di lang pulos laklak!