HINDI NAKATANGGAP NG SORRY: Albie Casiño hindi na pagtatakpan si Andi Eigenmann

MAHIGIT sampung taon na rin ang nagdaan nang ulanin ng pagbabatikos at naantala ang dapat sana’y pagsikat ni Albie Casiño bilang teen star dahil sa unplanned pregnancy ng kanyang noo’y girlfriend na si Andi Eigenmann. Nadawit kasi siya at pinagbintangan ng madla na siya ang ama ng dinadala ni Andi, na kalauna’y napatunayan na hindi totoo.

HINDI NAKATANGGAP NG SORRY: Albie Casiño hindi na pagtatakpan si Andi Eigenmann
Albie Casiño and Andi Eigenmann

Si Jake Ejercito ang totoong ama ng panganay ni Andi, at ito’y ibinulgar lang pagkatapos ng maraming taon ng pagtatago ng dalawa. Nabunyag lamang ito nang kumpirmahin ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann na co-parenting sina Jake at Andi kay Ellie sometime in 2016.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng TV and movie projects kay Albie, pero hindi maitatanggi na malaki ang epekto ng pagkakadawit niya sa isyu lalo pa’t siya ang original ka-loveteam ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara.

Sa kanyang huling Kumu stream bago pumasok sa PBB house, sinagot nito ang tanong ng isang fan na obviously pertains to that issue.

Ayon sa kanya, hindi na raw niya pagtatakpan ang aktres.

“I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask,” sambit ni Albie.

“I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.”

Binanggit din ng binata na kahit minsan ay hindi nagsorry si Andi sa kanya. Dahil sa isyu na ‘yun ay napurnada ang pagsikat ni Albie bilang isang aktor.

“I don’t know how Twitter works but I guess someone was replying to Andi ‘Pero nag-sorry ka na ba kay Albie?’” Casiño shared. “So I only posted the reply and then I put some laughing, crying emojis and then I said, ‘Hindi pa. Lol.’”

HINDI NAKATANGGAP NG SORRY: Albie Casiño hindi na pagtatakpan si Andi Eigenmann

Pagkatapos daw i-tweet ‘yun ni Albie ay nagpadala ng mahabang ‘non-apology’ message si Andi sa kanya.

“For people who have been in toxic relationships you know what I mean. The non-apologies. They seem like they’re saying sorry but they’re not. She never apologized in the text,”

“Basically, she was saying how I saw her one time in a club and then she referenced that as an apology. And then I just replied to her, I said, ‘Lol. (laughing crying face). If you’re referring to the time I saw you in the Pool club, that wasn’t an apology, bro.’ Ginanun ko lang siya. Tapos sabi ko I don’t give an F. Imma do me. You do you. But where I’m from, that’s not an apology and you know it.’ Ginanun ko lang siya.” pagbunyag pa nito.

HINDI NAKATANGGAP NG SORRY: Albie Casiño hindi na pagtatakpan si Andi Eigenmann

Gusto raw sana ni Albie na kahit paano ay magrelease ng public apology si Andi dahil siya ang kinondena ng mga netizens noon, pero hindi na lang siya umasa dahil mukhang hindi naman ‘yun gagawin ng kanyang ex.

“I wanted to say some other stuff like ‘if you bash me publicly, the least you could do is apologize publicly right?’ But nah, I guess it ain’t in her I guess. She ain’t like that. But yeah, I hope she thinks about that at night before she goes to sleep. I’m not even joking,” sambit pa ni Albie, na halatang matagal nang kinikimkim ang sama ng loob na ito.

Gusto nga raw ni Albie mamasyal sa Siargao Island pagkatapos ng kanyang PBB stint. Alam naman ng lahat ng tao na doon na naninirahan ang semi-retired actress.

“It’s funny because after I get out, I want to go to Siargao after but she’s there. But it ain’t a thing. I don’t mind. I’m probably going to hit up the beach. I’m definitely going to hit up the beach when I get out,” bunyag niya.

Nang tanungin kung kakausapin ba niya si Andi kung sakaling magkrus ang kanilang landas, he said na he will ‘not talk to her’

“My parents are always telling me, if you got nothing good to say, don’t say anything at all. So even if I was next to her on a 24-hour flight, I won’t say a word. Because I got nothing good to say to her,” paliwanag ng aktor.

“So I’d rather not talk to her. If she tries to talk, I’m just going to look at her like she has poop on her shirt. That’s all I’m going to do.”

Namangha ang mga nakapanood ng livestream sa pagiging honest ni Albie, na halatang dinala ang hinanakit na ito for many years.

“I don’t care. That’s the truth. Di tayo nagplaplastikan dito…That’s the way we do it man. Hindi tayo nakikipagplastikan dito. That’s the last thing we’re going to do,” pagtatapos niya.