Niño Muhlach, isinabak na rin sa showbiz ang anak

ADVERTISING

Niño Muhlach, isinabak na rin sa showbiz ang anak

Nino-MuhlachNANG MA-MEET namin in person ang anak ng kaibigang Niño Muhlach, aliw na aliw kami kay Alonzo. Bibong-bibo ang bagets na mana ang pagiging listo at ma-karinyo ng ama.

ADVERTISING

Kaya nga hindi mahirap kay Onin na payagan si Alonzo na pasukin ang showbiz as a child star dahil alam niya, tulad niya na nagsimula rin nang maaga sa showbiz ay mae-enjoy ng bata ang kanyang “work”.

Tuwing umaga, tinatanong na kaagad ng bagets sa ama kung may shooting or taping siya na naging habit na ng bata na ma-excite dahil sa murang edad, dalawang pelikula na kaagad ang ginagawa niya.

Sa totoo lang, siksik sa project si Alonzo. Isa na rito ang pelikula ni Direk Chito Roño sa Star Cinema na Almost A Love Story na naka-schedule ilabas s October 15 at itong MMFF 2014 entry ni Dingdong Dantes na Kubot: Aswang Chronicle 2 na ididirek pa rin ni Erik Matti.

ADVERTISING

Last week, may sinat si Alonzo kaya nasa bahay lang ito for almost 3 days. Sabi ni bagets, boring daw ang ginagawa niya na nasa house lang siya. Kaya nga right after na umokey ang pakiramdam ng bata, para manumbalik ang sigla ni bagets, nag-shopping sila ng ama na tuwang-tuwa naman ang bata.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING