Niño Muhlach, ayaw matawag na stage father

Niño Muhlach, ayaw matawag na stage father

Nino-Muhlach-Alonzo-MuhlachAYAW MATAWAG ni Niño Muhlach na stage father kaya ipina-manage niya ang anak na si Alonzo sa iba. Si Alonzo ay introducing sa pelikulang My Big Bossing na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Marian River at marami pang iba na entry sa 2014 MMFF.
“Kaya nga kinuha ko si Tita Aster (Amoyo) para mag-manage sa kanya, eh, para iwas-iwas diyan sa isyu ng pagiging stage father. Pero siyempre, tatay ako eh, I will always look for his welfare. Tulad sa akin, kung anong ginawa sa akin ng daddy ko, siguro ganu’n din ako sa kanya… Kung hindi rin naman sa ginawa ng daddy ko, wala rin naman akong na-invest eh,” paliwanag niya.
Sinigurado naman ni Niño na iipunin niya nang maayos ang kikitain ni Alonzo at kapag dumating ang tamang edad nito ay ibibigay niya ‘yon nang buung-buo sa anak.
Nai-share din ni Onin na bilang child star noon, napakaganda ng kanyang mga pinagdaanan na wish din niya na ma-experience ng kanyang anak.
“As a child star, happy ang buhay ko noon. Maganda rin ang nagawa no’n sa akin, nakapag-ipon ako, nagkaroon ako  ng building, kumbaga, hindi po masama, eh. So, why will I deprive my son to experience something like that.
“Pero siyempre, aalagaan mo rin. Kailangan mo talagang i-guide dahil kung hindi baka… kasi maraming ano, eh. Kung hindi baka mapariwara,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas