Dahil sa kumakalat na sexy scenes: Nathalie Hart, umalma sa mga nanlalait sa kanya!

ADVERTISING
Dahil sa kumakalat na sexy scenes: Nathalie Hart, umalma sa mga nanlalait sa kanya!
Nathalie Hart

HINDI na napigilan ng sexy actress na si Nathalie Hart na umalma labas sa mga bashers niya na dinudungisan ang kanyang pangalan sa social media. Ang dahilan ng pamba-bash? Dahil sa mga leaked sexy scenes nito sa isang indie film na ginawa niya last year.

Malinaw ang kopya ng pelikula na nakita namin by accident as shared by a netizen. Nabigla kami dahil sa pagkakaalam namin ay wala pang official DVD (o baka hindi lang kami updated?)

Siguro ay hindi na sanay ang mga baguhang Pinoy moviegoers, pero noong 80’s at 90’s ay may trend na puro ST or ‘sex trip’ movies ang ipinapalabas sa sinehan. Dahil sa mga pelikulang ito ay nakilala ang ilan sa magagaling nating artista like Jaclyn Jose, Ara Mina, Assunta de Rossi at marami pang iba.

Kaya hindi rin namin gets kung bakit ganun na lang kung mambash ang mga tao up to the point na pati mga kapamilya at kaibigan ni Nathalie ay pinapadalhan nila ng screengrabs from the indie film claiming it is from a different kind of movie na pwede lang sa mga matured adults.

Narito ang mensahe ni Nathalie Hart from her Instagram:

ADVERTISING

It’s funny how people can be so cruel! To my haters and sociopaths who’s sending appalling messages and images to my family. Here’s what I have to say : I’m comfortable in my own skin and my family,friends and babies loves me. I don’t have any social dating accounts and yes I made a movie with a love scene and proud of it! It’s a work of art. I’m so glad that it took me 25 years to realize how evil the world is. But as long you have a strong family unit and love for everyone,I say #f**** baby! Thank you dad for giving me the strength :) #stopbullying

Sa kanyang post ay halatang gigil na gigil na si Nathalie pero hindi pa rin ito hihinto sa pag-share ng kanyang sexy photos.

Sa mga hindi familiar kay ‘Nathalie Hart’ pero sa tingin ninyo’y nakita niyo na siya somewhere, siya ay kilala noon bilang Princess Snell. Graduate siya ng Starstruck Batch 5 kasabay nina Sarah Lahbati at Rocco Nacino. 

Soon ay lalabas siya sa Paradise Island with Xian Lim and Coleen Garcia at sa isa pang indie film.

ADVERTISING