Nikko Natividad na-scam ng P4M sa pinasok na lending business

ADVERTISING
Leo Bukas

NAGKALAT pa rin ang mga scammer kahit panahon ng pandemya dahil sa covid-19. Isa sa latest victim nito ay ang Hashtag member na si Nikko Natividad na nagpakawala ng P4 million para sa isang lending business.

“Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag invest at na scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera.(Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen),” post ni Nikko sa kanyang Instagram account kasama ang video clip from TV Patrol sa nahuling scammer ng NBI.

Nikko Natividad na-scam ng P4M sa pinasok na lending business
Nikko Natividad

“Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito. Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isang iglap lang.

“Sobra sobrang depression binigay nito saken.Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala.

“Hindi nako umaasa na mabawi pa yung pera na nakuha nya samen dahil alam ko na wala yung pera.Hustisya na bahala sayo.

ADVERTISING

 

“Nawalan man kami ni cielo ng pera hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy.  Masaket dahil walang wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko.

“Hindi namen kasalanan na nagtiwala. Kasalanan NYA na niloko nya ang mga tao na nagtiwala sakanya.

“Naniniwala paren ako sa hustisya. Sa lahat ng lumalaban ng patas para lang kumita ng pera. Godbless us all,” kabuuang post ng dancer-actor.

Samantala, may mga bashers si Nikko na kinukwestyon ang pagkakaroon niya ng P4 milyon na inilagay niya sa lending investment. Meron daw ba itong ganung kalaking halaga?

Nikko Natividad na-scam ng P4M sa pinasok na lending business
NIKKO NATIVIDAD

“Nakadapa na yung tao. Pero nginungudngud mu pako. Inano kita? Pag ang artista hindi naka ipon PINAGTATAWANAN NYO. Pag naman nakaipon sasabihin nyo “SAN GALING?”

“Sa mga nagtataka pa, para isahan nalang. Gumigising ako madaling araw para mag UKG tapos deretcho It’s Showtime tapos tatanggap ako teleserye kahet wala akong linya basta magkatrabaho ako. Tapos sideline sa mga pelikula kahet small role wala ako pakealam basta kumita.

“Sinusuyod ko mga fiesta, mall show, bday sa buong pilipinas para rumaket. Nagtitinda ako grahams sa abs at sa labas, bedsheet ,sandals at youtube.

“Ngayon pag nagduda pa kayo may MALI na sainyo.Tama na, kalma nako. Pasensya na kayo. Hirap kasi nakadapa nako nginungudngud pako,” katwiran niya.

 

ADVERTISING