Nikko Natividad biktima ng theft identity sa mobile dating app na Tinder

ADVERTISING
Leo Bukas

KUMALAT ang mga larawan ni Nikko Natividad sa iba’t ibang mobile dating app na siyempre ikinabahala ng Hashtag member. Ayon sa kanya wala raw siyang Tinder account.

Sa Twitter post ni Nikko ay ibinahagi niya ang isang screenshot ng kanyang larawan na naka post sa Tinder. In fairness, kapani-paniwala ang naturang Tinder account dahil talagang verified pa ito.

ADVERTISING
Nikko Natividad biktima ng theft identity sa mobile dating app na Tinder
Nikko Natividad

“KUNG SINU KA MAN HAYUP KA!! AT NAKA VERIFIED KAPA!!” post ni Nikko sa Twitter patungkol sa nasabing fake account sa Tinder app.

Dagdag pa ni Nikko, “Wala po akong Tinder!! Muntik nakong palayasin ni @cielo_0227 sa bahay!! Sisira ka ng pamilya hinayupak ka!! Inuulit ko wala po akong TINDER!! GRINDER po ang gamit ko.”

Sa last part ng kanyang post ay dinaan na sa biro ni Nikko ang kanyang reaksyon.

ADVERTISING

“Sisira ka ng pamilya hinayupak ka!! Inuulit ko wala po akong TINDER!! GRINDER po ang gamit ko,” pabiro niyang pahayag.

ADVERTISING