Nikki Gil: to the Highest Level ang Happiness

Hindi maipagkakailang makulay ngayon ang lovelife ng isa sa main host ng E-Live na si Nikki Gil at dahil iyan kay Papa Billy Crawford. Habang tumatagal ay paganda nang paganda ang pagtitinginan ng dalawang Kapamilya stars kaya naman bonggang-bongga rin ang kanilang career. Sino ba naman ang hindi mai-in love sa isang lalaki na handa kang ipagtanggol at ipagpatayan sa iba, ‘di ba? Aminin nating malaki ang ipinagbago ni Billy nang naging sila ng dalaga kaya kitang-kita ang naiibang ngiti sa male singer-TV host kapag magkasama ang dalawa. Kaya ang lola mo hindi magpapatalo kung kasiyahan rin lang labanan. Huling-huli ng aming lente ang to the highest level na happiness ni Mrs. Nikki Gil-Crawford in the future, he-he-he!

Photos by Fernan Sucalit

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleMISS TAKAW Kung Siya ay Tawagin! (Angelica Jones)
Next articleOk ka ba t’yan?

No posts to display