Nikki Bacolod, humahataw sa radio ang latest single

Nikki Bacolod, humahataw sa radio ang latest single

Nikki-BacolodHATAW SA radio ang latest single na ‘Sa Iyo’ ng singer, VJ and actress na si Nikki Bacolod.

The song is one of the most requested songs. It’s a collaboration ng ballad singer na si Nikki & Malaysian Pop at RnB singer na si MIN YASMIN. Ito ang first single mula sa album na 2Voices at Tagalog bersyon ng Malaysian song Hilangkanlah, na theme song ng Malaysian hit teleserye Derhaka Seorang Madu TV3.

Nikki Bacolod was 2nd runner-up ng search For The Star Million at si Min Yasmin ay singer at actress mula sa Malaysia at kilala bilang film, television at drama sound track singer. Ang Sa Iyo ay likha ni Julfekar, HA & Roosevelt T.Itum at produced  ni Julfekar, isang sikat na composer at producer mula sa Malaysia at Managing Director ng MillenniumArt Sdn. Bhd. and JULFEKAR Music sa Malaysia.

Ang album na 2Voices ay nirecord sa Kuala Lumpur at Manila at naglalaman ng ibat’ ibang musical genres at recorded sa 3 language (Tagalog, English at Malay). Kasama sa album ang 10 songs katulad ng Sa Iyo, Ang Tanging Dasal, Hindi Ka Na Luluha Pa, Laging Nagmamahal Sa Iyo, Sayang Naman, Ako’y Babangon Pang Muli, Tuwing Ika’y Kapiling Ko, ‘Di Na Ako Luluha Pa, Yakap ext. P’wede nang mapanood ang music video sa YouTube o visit julfekar@yahoo.com.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas