Nico Locco may ‘personal encounter’ sa pinakamayamang transgender sa mundo na si Anne Jakrajutatip

Leo Bukas

NAKILALA ng hunk actor na si Nico Locco sa  Bangkok, Thailand ang Thai transgender  at billionaire na si Anne Jakrajutatip habang may ginagawa siyang project doon.

Si Anne ay na-link noon sa model at ex-boyfriend ni 2018 Miss Universe Catriona Gray  na si Clint Bondad, Ayon pa sa balita, ngkaroon SINA Anne at Clint ng love affair bagama’t hindi naman ito inamin ng trans billionaire at ni Clint mismo.

Nico Locco may ‘personal encounter’ sa pinakamayamang transgender sa mundo na si Anne Jakrajutatip
Nicco Locco

“It was an amazing opportunity. I was working with the current richest trans in the world, she is a billionaire,” pagmamalaki sa press ni Nico nang ipakilala siya bilang pinakabagong contract star ng Viva Artist Agency.

Bukod sa kanya ay Kung sinu-sino na rin daw na mga sikat na celebrities ang nakatrabaho ni Anne.

“Big names have worked with her, Clint Bondad, Kirk Bondad, other Bollywood actors, such huge Bollywood actors, so she’s bringing in a lot of international

“It was just a pleasure to work with her. She is a character. I mean, I’ve never really met somebody like her before and the line of work was strenuous. Very tiring days but very rewarding,” kuwento pa ni Nico.

Ibinahagi rin ng binata na gusto niya ulit makatrabaho ang pinakamayamang transgender ng Thailand.

Aniya, “Of coure, I hope to work with her more in the future kasi she has a big network there and a big production. Really cool opportunity. Again, it’s another one to add to the list in terms of international projects.”

Naikuwento rin ni Nico na naging malungkot at unforgettable ang pagpunta niya ng Thailand nitong June dahil doon namatay ang film producer, director at talent manager niyang si Shandi Bacolod na kasama niya that timesa Thailand. Si Shandi ay namatay nung June 8 dahil sa cardiac arrest.

“Unfortunately, the experience I was expecting, it end up… I wouldn’t say it was an enjoyable time because of what happened, pero thankful pa rin ako sa opportunity,” wika ni Nico.

Nico Locco may ‘personal encounter’ sa pinakamayamang transgender sa mundo na si Anne Jakrajutatip
Anne Jakrajutatip

Halata kay Nico na umiiwas siyang pag-usapan ang nangyari sa kanyang manager na director at producer ng BL film na Love At The End of the World na pinabibidahan niya.

“I can’t really make kuwento. I will say no comment on the details on that. Siyempre, Shandii was very close to me. She’s my manager. Shandii gave me a big break three years ago in Culion… I have lots to thank for Shandii para sa career ko.

“With what happened in Thailand, I will leave a no comment, pero we’re all deeply sad,” malungkot na pahayag ng new Viva artist.

Previous articlePokwang: ‘Maayos naming tinapos ang lahat, hindi kami pait-paitan’
Next articleTop 5 KDramas to Watch this July 2022