Nico Antonio, ‘di makapaniwalang may pinagdaraanan ni JM de Guzman

ADVERTISING

Nico Antonio, 'di makapaniwalang may pinagdaraanan ni JM de Guzman

Nico Antonio, 'di makapaniwalang may pinagdaraanan ni JM de GuzmanNi sa hinagap ay walang sign na magkakaganun si JM de Guzman.

ADVERTISING

Nang mag-shoot kasi ang aktor para sa indie film na “Tandem” na pinagsamahan nila nina Nico Antonio, Rochelle Pangalinan, at ang indie and stage actress na si Elora Espano, wala silang sign na nakita na may problema si JM.

Sa katunayan, happy sila sa set. Hindi pasaway ang aktor tulad sa kumakalat na balita na sa kanyang afternoon serye sa Kapamilya Network na “All Of Me” na nagtapos kamakailan, kung saan sa kalagitnaan ng kuwento ay bigla siyang naglaho.

“March kami nag-start ng shooting para sa MMFF 2015,” kuwento ni Direk King Palisoc.

ADVERTISING

If ever daw na nagkaroon muli ng problema si JM de Guzman, ito’y after ng shooting nila ng “Tandem”. “During the filming, smooth ang shooting namin. Walang aberya. Never kaming nagkaproblema. Never siyang na-late sa set or nagbigay ng problema sa akin as direktor or sa mga kasamahan niya,” dagdag pa ni Direk King.

Sa katunayan, with “Tandem”, nagbigay pa ito ng Best Actor award kay JM sa New Wave category sa last MMFF 20115 noong December.

“Cool na cool siya. Walang problema sa set even sa work attitude niya,” kuwento ni Nico na ka-tandem niya sa pelikula.

“Happy nga kami. ‘Yong isang scene namin na kunwari nagkukuwentuhan kami at nagtsi-chill at umiinom ng beer, cool na cool siya. Totoong beer ‘yong tinitira namin. Nang sabihin ni Direk King na kukunan na ang eksena namin na ‘yun, sabi ko ‘Direk, hindi pa kami solve. Isang bote pa’,” natatawang sabi ni Nico Antonio na mas kilala ngayon as Tolayts sa “On The Wings Of Love” na kilg-serye nina James Reid at Nadine Lustre na trying hard na manliligaw ni Bianca Manalo.

Sa pelikula, magka-tandem sina Nico at JM bilang mga kawatan tulad ng mga riding-in-tandem na mga naka-motor na mga snatcher na kasalukuyang nangyayari ngayon sa mga key cities sa bansa.

“May readeaming value ang movie namin. It’s a new kind of action movie sa makabagong panahon that speaks of the current realities ngayon na umiiral sa bansa,” kuwento ni Nico.

Sana raw ayos na si JM. “Nakaka-miss siya. Sana kung ano man ang nararanasan niya ngayon ay ma-overcome niya. Gusto ko siyang makita at dalawin, pero hindi ko alam kung saan,” sabi ng co-star ni JM na si Nico a.k.a. Tolayts.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING