Nichole Friese, pang-beauty queen ang dating

ADVERTISING

 alt=

Nichole Friese
Nichole Friese

Balak pasukin ni Nichole Friese ang showbiz. Kaya naman pinaghahandaan niya sa kanyang pagbabalik sa bansa December ang mga serye ng workshop at Tagalog lessons, bukod pa sa ilang proyekto kabilang na ang isang fashion show. Half-German, Half-Filipino si Nichole na ipinanganak at lumaki sa California.

Sa tangkad ni Nichole na 5’9”, malaking bulas ang dalaga para sa edad niyang 16. Sabi nga ng entertainment columnist na si Leo Bukas, “P’wede siyang isali sa mga beauty pageant. Pang-beauty queen ang dating niya.”

“It’s every girls dream,” pahayag ni Nichole nang makatsikahan namin patungkol sa pagiging isang beauty queen. Lalo pa siyang nakumbinsing posible rin siyang maging beauty queen nang manalo ang kababayang si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015.

Samantala, itinuturing ni Nichole na icon si Tyra Banks na kanyang tinitingala, dahil sa pagiging matagumpay nito sa kanyang larangan, at mahilig din siyang manood ng “Projecty Runway”, kung saan nakakukuha siya tips dito pagdating sa pagrampa sa catwalk.

ADVERTISING

Sa local celebrities, gustung-gusto niya sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na napanonood niya ang mga pelikula sa Amerika (with subtitles), habang ang mga kanta naman ni Sarah Geronimo ang lagi niyang pinakikinggan at paborito niya ang kantang “Tala” ng Pop Princess.

Pero sa ngayon, kailangan munang tapusin ni Nichole ang kanyang senior high school sa Califiornia (ga-graduate na siya this December). Sa kolehiyo naman, balak niyang kumuha ng Performing Arts, Psychology, o Communication Arts.

Well, abangan natin ang pagbabalik ni Nichole at tignan natin kung saan siya dadalhin ng kanyang bituin sa mundo ng showbiz.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING