Nichole Friese, beauty queen material; gustong subukan ang showbiz

ADVERTISING

Nichole Friese, beauty queen material; gustong subukan ang showbiz

Nichole Friese
Nichole Friese

Beauty queen material ang 16-year-old lass na 5’9” ang height na si Nichole Friese. Good catch para maging candidate ng kahit anong beauty pageant like Binibining Pilipinas. Napaka-pleasing din ng kanyang personality kaya lang hindi pa siya well-verse sa pagsasalita ng Filipino.

Bumalik muna ng Concorde, California si Nichole kasama ang mom niyang si Jen, pagkatapos na halos dalawang buwang bakasyon dito sa Pilipinas, para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nichole is on her 4th year high school.

Ayon pa sa dalaga, mag-aaral na rin siyang mag-Filipino habang nasa Amerika. Sey naman ng mom niya, ikukuha niya ng Filipino tutor ang anak para matutukan itong mabuti.

Bukod nga pala sa pagpasok sa showbiz, gusto ring i-try ni Nichole ang modeling, TV commercial, pag-arte, at kung susuwertehin, maging isang beauty queen.

ADVERTISING

Favorite actress niya si Bea Alonzo at pinanood pa raw niya ang “How To Be Yours”, kung saan si Gerald Anderson naman ang partner ni Bea. Pati raw “One More Chance” na si Bea (with John Lloyd Cruz) ang bida ay hindi rin niya pinalampas.

“She’s beautiful and she’s really a good actress that’s why I like her so much,” bulalas pa ni Nichole.

Well, good luck Nichole sa journey mo to become a beauty queen or perhaps a showbiz celebrity.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING