Ni-reject daw kasi Vice Ganda, nagmaldita sa kambal na sina David Semerad at Anthony Semerad?!

HINDI KAYA na-trauma ang basketball players na magkapatid na sina David at Anthony sa naranasan nilang kamalditahan daw ni Vice Ganda?

Naka-schedule na mag-guest sana ang dalawa sa It’s Showtime. Dating player daw ng San Beda  ang magkapatid pero ngayon ay nasa Ateneo na.

Noong una, pinagsasayaw sina David and Anthony kasama si Vice Ganda. Since hindi naman talaga sumasayaw ang magkapatid, nakiusap ang manager nilang si Arnold Vegafria na gawing hurado na lamang ang dalawa. So, pumayag naman ang namamahala ng programa at in-schedule na ang magkapatid for briefing.

Noong Lunes, magsisimula na sana ang dalawa sa kanilang guesting sa programa kaya lang bago pa man sila makaalis ng kanilang bahay ay tumawag ang talent coordinator para sabihan silang hindi na tuloy ang kanilang guesting.

Excited na excited pa naman sina Anthony at David dahil first time nila sa It’s Showtime pero napurnada pa.

At ang nakakaloka, sinabi raw ng talent coordinator na naimbiyerna si Vice Ganda nang malaman niyang tinanggihan siyang makasama sa production number ng dalawang basketball players. Kung ayaw raw nilang mag-production kasama siya, eh, ‘di huwag na rin silang maging hurado.

Naku, Vice Ganda, totoo ba ito?

Siguro ay namali lang ng intindi si Vice Ganda. Actually, hindi naman siya tinanggihan ng magkapatid. Sadya lang na hindi sila marunong magsayaw. But the controversial stand-up comedian probably took it to mean na inayawan siya ng dalawang basketball players.

Siguro ay nainsulto ang beauty ni Vice.

PAGBIBIGYAN NI Annabelle Rama ang kanyang pamilya sa hiling nito na ‘wag na niyang patulan ang kanyang mga kaaway sa showbiz.

Sa kanyang latest tweet, sinabi niyang kinausap siya ng kanyang pamilya noong Mahal na Araw.

“Alam ng buong Pilipinas at kahit ng followers ko sa ibang bansa na hindi ako nagsisimula ng gulo at hindi ako umaatras kahit kailan sa isang laban lalo na pag ang pamilya ko ang inaapi. I’m proud to say that I have already established the fact that I always speak the honest, brutal truth. But over the easter break, my family sat me down. Nakiusap sa akin na ipaubaya na sa Diyos ang lahat ng umaaway at naiinggit sa akin at dahil mas mahal ko at mas mahalaga ang pamilya ko kesa sa ibang mga taong walang ginawa kundi awayin at siraan ako, makikinig ako sa advice nila at mananahimik na lang ako,” tweet ni tita Annabelle.

DAPAT PALA ay kasama si Jessy Mendiola sa Star Magic Tour kaya lang ay pinagsabihan siyang huwag nang tumuloy.

Jessy was told na magsisimula na kasi ang soap opera na kanyang pagbibidahan kasama ang iba pang Star Magic talent.

Kaso, hindi pa pala magsisimula ang bagong soap niya. Instead ay isang weekly TV series na lang ang kanyang gagawin.

Nanghihinayang man ay walang magawa itong si Jessy. Sobrang nanghinayang lang daw siya dahil hindi siya nakasama sa tour.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJackie Rice, sumisid na ang showbiz career?!
Next articleDerek Ramsay, kapatid na!

No posts to display