NEWBIE ON THE RISE: Enrico Cuenca says no to drugs

ADVERTISING

NEWBIE ON THE RISE: Enrico Cuenca says no to drugs

NEWBIE ON THE RISE: Enrico Cuenca says no to drugs
Enrico Cuenca

BY ACCIDENT lang pala ang pagpasok ng guwapong si Enrico Cuenca sa showbiz, ayon sa kuwento niya nang makausap namin siya sa grand media conference ng pelikulang Recipe for Love ni Direk Joey Javier Reyes na bida sina Christian Bables at Cora Waddell para sa Regal Films

ADVERTISING

 Habang on vacation siya sa Pilipinas, naispatan siya para gumawa ng mga print ads at TV commercials. Mas nakilala ang binata sa isang ‘Valentine’ TVC series ng isang local hamburger chain kung saan si lucky Ate Girl ay iniiwan niya ng love note sa hamburger na iniiwanan niya for his lady crush.

 Ang pelikula niya na Recipe for Love ay hindi ang una ng binata.

 “I was part of Direk Joey’s horror movie, Spirit of the Glass,” kuwento niya. Pero so far, itong movie niya with Christian and Cora ang masasabing biggest break niya where he plays ex-boyfriend of Cora sa movie na isa naman food blogger.

ADVERTISING

Kung familiar man ang itsura ni Enrico, ito ay dahil he is part of GMA-Kapuso Networks hit teleserye na Onanay with Nora Aunor as Oliver na love interest ng dalawa girls na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Sa recent news na may isang commercial model na nahuli sa kasong drugs, hindi lingid kay Enrico ang masamang bisyo.

“Never tried it. Never,” sabi niya sa amin during out interview.

During the media conference, halata na inaantok si Enrico habang sinasagot ang mga questions sa kanya during the open forum na naitawid naman niya.

Tila wala pa tulog ang binata na kagagaling lang sa taping ng kanyang serye na Onanay.

Shabu? Marijuana? “Never,” diretsahang pahayag ng baguhan.

Enrico is managed by Jonas Gaffud’s Mercator Modeling agency, the same management company of Benjamin Alves.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING