Newbie actors, natulala sa galing ni Ronnie Lazaro

ADVERTISING

Newbie actors, natulala sa galing ni Ronnie Lazaro

Newbie actors, natulala sa galing ni Ronnie Lazaro
Ronnie Lazaro with the cast and crew of “Co-Dep”

SUMABAK na rin sa paggawa ng pelikula ang ilan sa members ng grupong Clique 5 na sina Rocky Rivero at Clay Kong at ang front runner ng Belladonnas na si Quinn Carillo.

 Silang tatlo ang mga bida sa adovacy film about drug addiction na may working title na Co-Dep na sinulat at idinirek ni Neal “Buboy” Tan.

Sa simula, medyo kabado ang tatlo pero dahil dumaan naman sila sa series of acting workshops kaya madali rin silang naka-adjust. Malaking bagay din na magagaling na artista ang sumusuporta sa kanila sa Co-Dep.

Imagine, nasa cast ng pelikula to show their support sa tatlong baguhang bida sina Ronnie Lazaro na katatapos lang ng seryeng The Good Son ng ABS-CBN, Ana Capri who is doing now a teleserye na bida sina Joshua Garcia at Julia Barretto at ang award-winning actress na si Rosanna Roces.

ADVERTISING

Very unforgettable kina Quinn, Rocky at Clay na makaeksena ang batikang aktor na si Ronnie sa pelikula.

“Nakakatulala kapag siya na ang kaeksena namin. Sobrang galing po niya. Medyo nakaka-intimidate po pero napakabait naman niya at very accommodating,” pagbabahagi nina Quinn, Rocky at Clay.

Samantala, bukod sa tatlo, may mga special role din ang ilan pang Belladonnas at Clique 5 members gaya nina Bench, Tim, Karl, Rocky, Chloe at  Rie sa pelikulang prinodyus ng 3:16 Productions na balak munang ipalabas sa iba’t ibang eskuwelahan sa taong ito.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING