New Loveteam na JANESON nina Jane Oineza at Jameson Blake, nabuo dahil sa Haunted Forest

ADVERTISING

New Loveteam na JANESON nina Jane Oineza at Jameson Blake, nabuo dahil sa Haunted Forest

New Loveteam na JANESON nina Jane Oineza at Jameson Blake, nabuo dahil sa Haunted Forest
JANESON: Jameson Blake and Jane Oineza

BONGGA! Mula nang i-announce ng Regal Films ang tungkol sa bago nilang pelikula na Haunted Forest, ang mga fans ni Jane Oineza ay natuwa. Si Jane kasi ang bida. Siya ‘yung karakter na na-possess sa pelikula ng isang elemental.

ADVERTISING
 
Big break kasi ito para sa dalaga na sa tinagal-tagal ng panahon, tila napapag-iwanan siya ng mga kasabayan niya na sa estado nila sa showbiz, hindi na rin matatawaran ang mga nagawa nila at presensya sa industriya.
 
Naging matamlay kasi ang takbo ng career ng dalaga since hindi na na-push ng Kapamilya Network ang ang tambalan nila noon ni Joshua Garcia, na ngayon ay bini-build up na with Julia Barretto.
 
Kaya the best way? She has to move-on. Forget Joshua na tila iniwanan
ang dalaga sa ere. Production’s decision. Walang nagawa si Jane kundi maghintay ng kanyang panahon.
 
Kaya nang  i-announce ang cast ng Haunted Forest, ang mga solid Jane fans ay natuwa nang malaman nila na ang #hashtags member na si Jameson Blake ang magiging kapareha niya.
 
Ang mga fans ay may na-coined na silang tawag sa idol nila at sa bagong kapartner ni Jane.
 
Tawag nila kina Jane at Jameson ay “Janeson” na akmang-akma sa mga pangalan ng dalawa.
New Loveteam na JANESON nina Jane Oineza at Jameson Blake, nabuo dahil sa Haunted Forest
Haunted Forest cast members Jon Lucas, Maris Racal, Jane Oineza and Jameson Blake
 
Sa katunayan, sa naisulat namin tungkol sa cast ng Haunted Forest at naibalita na sina Jane at Jameson, kasama nina Maris Racal at Jon Lucas ang main stars (kasama sina Joey Marquez at Jay Manalo) ang daming likes at share ang nakuha ng istorya namin.
 
Well, this is a good sign para kay Jane at kung sino man ang makakapareha niya in the future na all-out ang support nila basta para sa idol nila na hindi tulad ng ibang mga fan groups na makikitid ang utak na ayaw na nila mag-grow ang idol nila sa trabaho at gusto ay ma-stock ang idol  nila sa ka-love team nila.
 
Goodbye JOSHANE and let’s welcome with open arms ang JANESON. This is not a bad idea para sa kanilang idol.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING