NEW COUPLE? Gil Cuerva umamin na nililigawan na si Lexi Gonzales

MUKHANG may bago tayong showbiz couple sa bakuran ng GMA na aabangan ang pag-usbong ng kanilang offcam love story.

Walang paligoy-ligoy na inamin ng Kapuso actor/host na si Gil Cuerva na nililigawan na niya ang Starstruck 7 First Princess Lexi Gonzales. Ito mismo ang inamin ng aktor kina Camille Prats at Iya Villania sa Wednesday episode ng kanilang morning show na ‘Mars Pa More.

NEW COUPLE? Gil Cuerva umamin na nililigawan na si Lexi Gonzales
Gil Cuerva and Lexi Gonzales

Ayon kay Gil, matagal na niyang kilala si Lexi simula nang una itong mag-guest sa programa nila ni Solenn Heussaff na Taste Buddies. From there ay naging constant na ang communication nila.

“Si Lexi, matagal na namin na-guest sa Taste Buddies and then recently, nag-guest siya [ulit] sa Taste Buddies. And then parang, from there we kind of ano… nag-usap kami, we kind of clicked.

“Nag-start lang na… di ba pandemic? So parang nagmu-movie lang kami online-online, sharing each other’s favorite movies. Stuff like that, and then, from there parang…”

Ayon kay Lexi, minsan ay umaabot ng seven hours ang pag-uusap nila ni Gil dahil hindi pa madali noon na magkita dahil sa pag-implement ng GCQ sa bansa.

“Dun nag-start and then siyempre ngayon na ano, GCQ, medyo lumuwag na. At least, now, kahit papaano we’re able to eat out, see each other more ofte. So, ganun lang.” sambit ni Gil.

Tinanong naman nina Mars Camille at Iya kung ano ang tingin ni Lexi kay Gil.

“Well, si Gil is a really nice guy. And sobrang gentleman. Parang ipapa-feel niya talaga na you’re important and yung care nando’n.”

Towards the end of the interview ay nilinaw nila na nasa getting-to-know stage pa lang sina Gil at Lexi. Ito kaya ang rason kung bakit ‘magkaibigan’ lang ang turingan nina Lexi Gonzales at ng kanyang onscreen partner na si Kim De Leon? Kung tama ang aming pagkaalala, inamin ni Kim De Leon na siya ay may non-showbiz girlfriend sa TBATS. Gayunpaman, lumitaw pa rin ang chemistry ng KimLex sa Regal Studio Presents: Magkaibigan, Nagkaibigan noong November 14.

So, hindi pala si Anjay Anson ang tinutumbok ni Kim De Leon na ang type ni Lexi ay matatangkad. Si Gil Cuerva kaya? Malalaman natin ‘yan sa takdang panahon!

In fairness, bagay sina Gil at Lexi! Puwede na rin gawing bagong romance-comedy stars for a primetime series. Sa ‘Magkaibigan, Nagkaibigan‘ ay litaw na litaw ang potensyal ni Lexi Gonzales as a charming leading lady. Why not pair her with Gil Cuerva, na maraming pinakilig sa ‘My Love From The Star’ nila noon ni Jennylyn Mercado? After that project ay may mga ginawa nang serye si Gil, pero walang tumatak. Baka with Lexi it can work? LexiGil or GilLex? GO!