NEW COUPLE ALERT! Rabiya Mateo at Jeric Gonzales inamin na ang relasyon

GUSTO niyo bang kiligin? ‘Yan ang hatid sa atin this week ng Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at beauty queen turned actress na si Rabiya Mateo sa pagkumpirma na sila ay officially magdyowa na!

NEW COUPLE ALERT! Rabiya Mateo at Jeric Gonzales inamin na ang relasyon
Jeric Gonzales and Rabiya Mateo

Late last year ay naispatan na ang dalawa sa isang amusement park kaya may usap-usapan na sinusuyo na raw diumano ni Jeric si Rabiya. Nagkakilala ang dalawa nang magtambal sila sa isang episode ng Wish Ko Lang, na nagsilbi rin TV drama debut ni Rabiya Mateo.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram accounts ay nagpost ng cheesy yet kilig posts ang new showbiz couple.

“Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric,” post ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na may heart emoji.

S’yempre, hindi nagpahuli si Jeric! “To more memories with you. I love you.”

Kakilig! Sana all, ‘diba?

Dahil opisyal nang ipinahayag ang kanilang real-life romantic relationship ay may naglabasan na rin na larawan kung saan nakikitang nagde-date ang dalawa. In short, may basbas na ng kanilang home network. Kunsabagay, hindi naman na nila dumepende sa loveteam para pa itago ang kanilang relasyon, ‘diba?

Individually ay bumobongga lalo ang showbiz career ng dalawa. Maliban sa kanyang upcoming indie film na ‘Broken Blooms’ with Boobay and Therese Malvar ay kumpirmadong pasok din si Jeric sa Philippine adaptation ng ‘Start-Up’, kung saan makakasama niya sina Bea Alonzo at Alden Richards. Hindi pa klaro kung siya ang gaganap bilang Nam DoSan o si Good Boy.

On the other hand, Rabiya Mateo is slaying her role as Agent Raj sa Agimat ng Agila Season 2. Siguradong may upcoming TV guestings na rin na inihahain ang GMA para sa kanya.

Goodluck and stay in love, Jeric and Rabiya!

Previous articleShowbiz Royalties Saviour Ramos at Lala Vinzon, magtatambal sa ‘Regal Studio Presents: Stop in the Name of Love’
Next articleDimples Romana is pregnant at 37 years old!