New-comer Teejay Marquez, scene-stealer in Tween Hearts!

ADVERTISING

Parazzismiz

 New-comer Teejay Marquez, scene-stealer in Tween Hearts! NAPUKAW ANG AMING atensiyon kahapon ng bagong teenstar ng Tween Hearts na si Teejay Marquez. Hindi lang kasi siya super guwapo at boy-next-door ang dating, kundi bagay sa kanya ang role na kanyang ginagampanan. Sa kanyang character role na si Nathan, isang guwapong probinsiyanong nerdy na aksidenteng nakilala ng fellow teen star na si Kylie Padilla, para lang pagselosin ang manliligaw nito.

Kapansin-pansin ang potential ng handsome teenager na si Teejay, although halatang kumakapa pa sa role. Pero, definitely masasanay rin siya after few scenes, dahil may ‘k’ naman ang acting niya at ‘di nakakasawang tingnan lagi ang kanyang guwapong mukha.

Sana magtuluy-tuloy na ang pagiging mainstay ni Teejay sa Tween Hearts. Kilala na rin naman kasi si Teejay sa larangan ng TV and print commercials, and isa sa Candy Cutee winners recently. Nabalitaan din naming kinuha na rin pala si Teejay bilang isa sa mga regular teen co-hosts ni Kuya Germs sa Walang Tulugan with Mastershowman.

Sa big break na i-binigay ng Kapuso Network kay Teejay, hopefully sooner or later, Teejay will become one of the bankable stars of GMA-7.

ADVERTISING

BLIND ITEM: HOW true naman kaya ang nasagap na-ming chismiz? Ito raw kasing si young star ay ibinili raw ng magarang balaysung ng isang kilalang personalidad. Usap-usapan nga raw kasi sa university na pinapasukan ni girl na may bago nga raw itong bahay na nilipatan at bagong bili nga raw.

Ang ipinagtataka ng mga nakakakilala kay girl, wala naman itong masyadong project sa TV, at in fact nga raw, halos hindi na nga raw ito visible kundi lang sa isang kontro-bersiya na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin. Kaya paano raw na magkakaroon ito ng bonggang balaysung?

‘Eto pa ang ikinaloloka ng aming source, mukhang kiyeme lang ng girl na magtatapos lang siya ng schooling bago ser-yosohin ulit ang pag-aartista. Dahil ang totoo raw, mismong si girl ay hindi na alam kung anong kurso ang kukunin, dahil paiba-iba nga raw ito ng course. Hmmm… maraming pera para magpalipat-lipat ng course ha?! Iba na nga ang panahon ngayon, ‘no!

Ang nasabi lang sa amin ng aming katsismisan na ayaw magbigay ng clue, bago na ang panahon ngayon… at sigurado raw na tulog ka ‘pag tinamaan ka ng bituin! ‘Yun na!

Parazzismiz
By Maica Tidila

ADVERTISING