NEVER GIVE-UP! Belle Mariano leading lady na ni Donny Pangilinan sa ‘He’s Into Her’

Leo Bukas

MUNTIK nang sumuko noon sa pag-aartista ang Kapamilya youngstar na si Belle Mariano. Ito ang kanyang inamin sa virtual conference ng He’s Into Her na ipapalabas sa May 30 sa Kapamilya channel. Si Belle ang leading lady ni  Donny Pangilinan sa naturang project.

NEVER GIVE-UP! Belle Mariano leading lady na ni Donny Pangilinan sa ‘He’s Into Her’
Belle Mariano

Ani Belle,  “Feeling ko mas nag-register sa akin, mas tumatak sa akin na importante yung patience sa industry na  ‘to noong dumaan ako ng awkward stage. Dumating din yung stage na hindi na ko hopeful. ‘Anong nangyayari ba’t ganito?’”

Bago ang He’s Into Her ay isa si Belle sa bumida sa pelikulang Four Sisters Before The Wedding kung saan ginampanan niya ang iconic role ni Gabbie na ginampanan noon ni Shaina Magdayao sa Four Sisters And A Wedding.

“Feeling ko ang nag-push talaga sa akin ay yung passion ko for what I do. Importante talaga ang patience. Ngayon lang siya nagsi-sink-in sa akin.

“Kanina nung pinapanood natin yung trailer, parang, wow! Nararamdaman ko na, paparating na yung He’s Into Her. Parating na tayo,” lahad pa ng young actress.

NEVER GIVE-UP! Belle Mariano leading lady na ni Donny Pangilinan sa ‘He’s Into Her’
Donny Pangilinan and Belle Mariano

Halos 10 taon na rin sa showbiz si Belle. Una siyang napanood Goin’ Bulilit.

“Na-realize ko, good things take time. Naaalala ko sinabi ko rin ito sa sarili ko yung time na maaabot ko rin yung gusto ko,” wika pa niya.

Bahagi rin ng He’s Into Her series sina Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Joao Costancia, Criza Taa, Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Dalia Varde, Limer Veloso, Melizza Jimenez, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Sophie Reyes, Jim Morales at marami pang iba.