Neri Naig nakapagtapos ng kolehiyo sa edad na 36

NAAALALA niyo pa ba ang Star Circle Quest finalist turned businesswoman na si Neri Naig? Maliban sa pagiging maybahay ng OPM icon na si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at pagiging businesswoman, isang bagong achievement ang ipinagdiriwang ngayon ng wais na misis: She is now a college graduate at the age of 36!

Neri Naig nakapagtapos ng kolehiyo sa edad na 36
Neri Naig graduates from college

Ito ang masaya at inspiring story na ibinahagi ng dating aktres. Ipinost nito ang graduation rehearsal niya kasama ang mga kaklase sa University of Baguio kung saan siya nagtapos ng degree sa business administration under the university’s Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.

“Looking at the graduates, ako lang pinakamatanda, hihi! Pero hindi ‘yun hindrance para sa gusto ko na maka-graduate. May listahan ako before turning 40. Ang maka-graduate ng college ay isa sa top priorities ko,” saad ni Neri sa kanyang IG caption.

Sa nasabing post ay hinikayat din ni Neri ang fellow mommies na ituloy ang kanilang pag-aaral at tingnan ang ETEEAP program, na swak sa mga mommies.

“Kaya sa lahat ng mga mommies at misis dyan na gustong tapusin ang kolehiyo, GO FOR IT! May ETEEAP Program naman kaya mas ma-balance mo ‘yung time mo. Unti-unti matatapos mo rin. Check your school if may ETEEAP Program sila,” dagdag pa niya.

Inialay ni Neri ang kanyang recent achievement sa kanyang mga anak at sa asawang si Chito Miranda.

“Para sa mga anak ko ‘to! Sa asawa ko na very supportive, at syempre para sa sarili ko na pinush ko talaga na dapat kayanin, walang imposible sa taong pursigido,” sambit nito.

Ayon sa official page ng University of Baguio, nag-enroll si Neri sa kanilang ETEAAP Program noong March 2021 and at parte ng graduating batch ngayong 2022.

Congratulations, Neri! Isa kang inspirasyon sa mga momshie!

Previous article‘Lolong’ ni Ruru Madrid, mapapanood na sa GMA ngayong July 4
Next articleAra Mina handa nang magbuntis; bakit nga ba nawala sa ‘FPJ: Ang Probinsyano?’