Neri Naig, kamias ang pinaglilihian

Neri-NaigANG NAGKUMPIRMANG buntis ay si Neri Naig na nagpakasal kay Chito Miranda ng Parokya ni Edgar nu’ng nakaraang taon.

Magti-three weeks na yatang buntis si Neri at proud na proud si Chito na ipinost sa kanyang Instagram account ng pregnancy test na nagpakitang positive.

Si Neri naman ay ipinost din ang ultra sound result at may caption pa siyang Hello Little Miranda.

Tapos nag-post din si Neri ng litrato ng kamias na may caption na “Sarap.”

Iyon nga kayang kamias ang pinaglilihian niya?

Pagkatapos ng mga sunud-sunod na kasal nu’ng nakaraang taon, sunud-sunod na buntis isyu naman ngayon.

Ang hintayin na lang natin ay kung kailan naman mabubuntis si Heart Evangelista.

Sabi naman niya, baka next year pa raw siya. Pero malay natin, ‘di ba?

Abala lang daw muna siya ngayon sa taping ng Beautiful Strangers.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleAndre Paras at Kobe Paras, ‘di naturuan ng kagandahang asal
Next articleJericho Rosales, proud sa remake ng serye nila ni Kristine Hermosa

No posts to display