Neil Salvacion kinumpirmang hiwalay na sila ni Rabiya Mateo

Leo Bukas

TINULDUKAN NA ni Neil Salvacion ang espekulasyon hiwalay na sila ng kasintahang si Rabiya Mateo na tinanghal na 2020 Miss Universe Philippines at naging representative ng Pilipinas sa Miss Universe.

“The real thing is, we’re not together anymore,” laman ng post ng binata sa kanyang  Instagram account.

“But we’re both okay, moving forward, we talked and we’re both happy with our own lives,” dagdag niya.

Neil Salvacion kinumpirmang hiwalay na sila ni Rabiya Mateo
Rabiya Mateo and boyfriend

Nagsimulang magduda ang netizens sa totoong estado ng relasyon nina Rabiya at non-showbiz boyfriend matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.

Isa rin sa itinuturing dahilan ng hiwalayan ay ang Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette. May IG story kase si Rabiya na magkasama sila ni Andre sa isang restaurant sa Beverly Hills.

May same  post din ang binata na may caption na,  “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.” Magkaganunan man, itinanggi ni Rabiya na meron silang romantic involvement ng former PBB housemate.

Umaasa din ang Ilongga beauty queen na maaayos pa ang problema nila ng kasintahan bagama’t inamin niya na kumplikado ang sitwasyon nila ni Neil.
Neil Salvacion kinumpirmang hiwalay na sila ni Rabiya MateoAni Neil,  “We don’t deserve all the negativities manifested towards us, especially towards Rab, she worked hard to achieve whatever she has right now, and she deserves it all.

“It’s NEVER okay to degrade a person just to prove a point, I mean, if you have nothing good to say, It’s better to keep it within yourself.”

Samantala, nasa Amerika pa rin ngayon si Rabiya para sa ilang commitments at pagbalik niya ng Pilipinas ay aasikasuhin naman niya ang pagpasok sa showbiz. Gusto raw niya na maging part ng isang teleserye.