Nawalan ng P300,000
Jennylyn Mercado, naloko ng bestfriend!

ADVERTISING

<b>Nawalan ng P300,000 </b><br>Jennylyn Mercado, naloko ng bestfriend!

<b>Nawalan ng P300,000 </b><br>Jennylyn Mercado, naloko ng bestfriend!

NAKAKAAWA NAMAN itong nangyari kay Jennylyn Mercado na naloko na naman pala ng malaking halaga ng pera!

Ang masaklap pa rito, ang bestfriend pa niya ang may kagagawan na matagal na pala niyang pinagkatiwalaan.

Kuwento ng Startalk reporter namin, naabutan daw nila si Jennylyn nu’ng kamakalawa lang sa dressing room ng Studio 7 ng GMA na parang kagagaling lang sa iyak.

ADVERTISING

Nalaman daw niyang hindi na siya matutuloy sa pagsali sa Triathlon event sa Cebu sa Linggo dahil hindi naman pala naayos nu’ng kaibigan niya ang booking nila paalis, pati ang accommodation nila sa Shangri-La Mactan.

Matagal na kasing pinaghandaan ni Jennylyn itong pagsali niya sa Triathlon. Kaya kahit pilot episode ng H.O.T. TV nila sa Linggo, hindi ito makadalo dahil kailangan niyang sumali roon sa Cebu.

Kuwento pa ni Jennylyn, ibinigay na raw niya ang kabuuang bayad na umabot ng 300 thousand pesos dahil kasama nito ang buo niyang pamilya at pati si Luis Manzano.

Excited na siya sa pag-alis nila na nalaman na lang niya hindi na pala siya matutuloy.

Dapat kasi kahapon na ang alis nila, pero walang ticket, walang reservation sa hotel na nangyari at itinakbo na ng kaibigan niya ang datung!

Nakatanggap na lang daw siya ng e-mail mula sa kaibigan niyang ito na hindi nga raw niya naayos. Pero nasaan na ang datung? Bakit hindi ibinalik sa kanya?

Ayaw pa sanang magsalita ni Jennylyn tungkol dito, pero napilitan na siyang magsalita dahil baka umaasa ang mga taga-Cebu na kasali siya, tapos wala naman pala.

Kung susubukan niyang hu-mabol, tiyak na wala na siyang makukuhang hotel reservation dahil puno na ‘yang mga hotel. Malaking event ‘yan, eh!

Hindi taga-showbiz itong babaeng bestfriend ni Jennylyn, pero sumasama-sama raw ito minsan sa kanya.

Ayaw niyang banggitin ang pa-ngalan, dahil bestfriend pa rin naman niya ito. Pero sabi ng manager niyang si Becky Aguila, ipababanggit daw niya ang pangalan kung hindi nito tutuparin ang pangakong ibabalik ang pera ngayong araw na ito.

Sabi naman ni Jennylyn, “Okay lang ‘yung pera, eh. Pero ‘yung friendship, ‘yung trust na nandu’n, nakalulungkot na bigla na lang mawawala nang ganu’n lang.”

Dapat talagang matuto na si Jennylyn dahil lagi na lang siya naloloko. Mabuti na lang at nandiyan si Luis Manzano na nagbibigay pa rin ng inspirasyon sa kanya.

Abangan n’yo na lang si Jennylyn kasama sina Regine Velasquez, Raymond Gutierrez at Roderick Paulate sa H.O.T. TV sa Linggo.

 

TALAGANG NAGPARAMDAM nga ba si Dolphy kay Zsa Zsa Padilla?

Kuwento kasi ni Zsa Zsa, nagpakita raw si Dolphy sa CCTV sa tinitirhan nila sa Marina Bay.

Marami raw pala silang CCTV camera sa bahay at nagpakita nga raw ang Comedy King sa isa sa mga kamerang ‘yun.

Talagang hanggang sa kabilang buhay, gusto pa ring magpakuwela ni Mang Dolphy, ha! Palagay ko, gusto lang niyang paglaruan sina Zsa Zsa para hindi naman siya masyadong ma-miss.

Tiyak na maiinggit si Vandolph niyan dahil siya pala ang gustung-gustong makita uli ang Papa niya.

Kinakausap nga raw niya itong magparamdam pero wala naman. Kahit sa panaginip ay wala raw kaya naghihintay lang daw siya.

Si Eric naman ay napanaginipan daw ang Daddy niya na tinatanong lang kung kumain na ba ito.

Pagkain kasi ang bonding nila, kaya hanggang sa panaginip ay pagkain pa rin.

Pinagkakaabalahan nga pala ngayon ni Eric ang paghahanda sa 40th day ng kamatayan ng kanilang Daddy sa August 18.

Malaking event daw ito na muling pagsasamahan ng tatlong malalaking TV network na GMA-7, ABS-CBN 2 at TV5.

I-announce din daw ni Eric ito isa sa mga araw araw na ito.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING