Nauwi pa raw sa bugbugan… Kaya kinalasan ni Dennis, Jennylyn, OA sa Pagka-selosa?!

ADVERTISING

Nauwi pa raw sa bugbugan… Kaya kinalasan ni Dennis, Jennylyn, OA sa Pagka-selosa?!

ADVERTISING

IKINAGULANTANG NG SAMBAYANAN ang biglaang break-up nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pero hanggang sa ngayon eh, pareho pa ring tikom ang bibig ng dalawa sa isyung ito. Last year ay masayang naglaloving- loving pa sina Jen at Papa Dennis at inakala ng iba na sila na talaga ang itinadhana

para sa isa’t isa dahil noo’y tila walang katapusan ang kanilang sweet moments sa labas at loob ng showbiz. Naka-zipper ngayon ang bibig ni Papa Dennis sa kanilang pinagdaraanan ngayon ni Jen. Ayon naman sa manager nito na si Popoy Caritativo eh, never daw na nagsalita ang actor pagdating sa mga nangyayari sa lovelife nito, especially sa naganap na hiwalayan. Tila nakabusal din ang bibig ni Jen dahil hindi pa rin daw ito ready na pag-usapan ang tungkol sa isyung kinasasangkutan nila. Ayon naman sa

kanyang manager na si Becky Aguila. Gan’un? May iniiwasan ba kayo mga ate’t koya? Hehe! Pero ano naman itong naitsika sa amin ng isang mahadera na ‘selos’ daw ang ugat ng lahat kung bakit nauwi sa break-up ang relasyon ng dalawang utaw at mismong si Mareng Jen pa raw ang super sa pagka-OA

ADVERTISING

ang pagiging selosa? Haaa?! At humahantong pa raw sa bugbugan, upakan, sakalan at kung anu-ano pang sakitan ang drama nila, kalokah to death! Naku, ano ba talaga ang totoo? Baka kasi tahi-tahing istorya na naman ito ng ilang tsismosa, ‘di ba? Samantala, narito ang dating mag-honey at may mga pasaring yata sa isa’t isa. Huwag n’yo lang kaming sasaktan ha? Hehe, chos!

Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING