Nauwi na raw sa pisikalan ang away
Ai-Ai delas Alas, hindi na babalikan ang non-showbiz BF?!

ADVERTISING

<i>Nauwi na raw sa pisikalan ang away</i><br>Ai-Ai delas Alas, hindi na babalikan ang non-showbiz BF?!<i>Nauwi na raw sa pisikalan ang away</i><br>Ai-Ai delas Alas, hindi na babalikan ang non-showbiz BF?!

HINDI NA raw babalikan ni Ai Ai delas Alas ang non-showbiz boyfriend niya.

That’s how the rumor goes around showbiz. Sobrang na-hurt daw ang hitad sa last na away nila kaya nga nagpasiya siyang magpalamig muna abroad.

How true na nauwi sa physical ang away ng dalawa? How true na kahit noong una pa man ay hindi na raw pala pabor ang nanay-nanayan ni Ai-Ai sa non-showbiz boyfriend niya?

Ang saya-saya pa ni Ai-Ai noon at karay-karay pa niya palagi ang kanyang dyowa sa kanyang mga showbiz functions pero mauuwi rin pala sa hiwalayan ang dalawa.

ADVERTISING

Sabi ni Ai-Ai in her past interview, “answered prayer” ang pagdating ng BF niya sa buhay niya. Ito nga lang daw ang nagustuhan ng anak niyang si Sophia na napansing ang BF lang ang naghahatid-sundo sa kanyang ina.

Ai-Ai also said, with seeming finality at that, na ang BF niya ang huling lalaking kanyang mamahalin.

 

MATINDI ANG kilig factor between Jodi Sta. Maria’s Maya character and Richard Yap’s Sir Chief role sa Be Careful With My Heart. Not surprisingly, the two were asked kung pati ba sila ay nararamdaman ang kilig when acting out a scene together.

Both answered affirmatively.

“Honestly, ‘pag binabasa ko talaga ‘yung script, kinikilig talaga ako at ‘pag may mga nakakatawang eksena, nauuna pa akong tumawa sa lahat,” pag-amin ni Jodi sa  thanksgiving presscon ng soap nila na magkakaroon ng World Tour ang buong cast sa Middle East sa March; USA at Canada sa May; Europe sa August at Japan sa November.

Sabi naman ni Richard, kinikilig siya kapag napapanood niya ang mga eksena nila sa TV.

“Of course merong kilig lalo na ‘pag napapanood na namin ‘yung mga sarili namin sa TV. Iba ‘yung ‘pag nagtatrabaho ka, ‘pag nakita mo sa TV… iba talaga ‘yung effect,” sa bi niya.

The two were asked din kung nake-carried away ba sila sa kanilang romantic scenes.

“Very professional naman kami ni Richard, pagdating sa trabaho ay trabaho talaga. Kung ano ang kailangan naming gawin, kung ano ang hinihingi sa amin ng eksena ay ‘yun ang binibigay namin. Ayaw rin naming ma-shortchange ‘yung work namin,” esplika ni Jodi.

 

BLIND ITEM 1: Nakakaloka naman pala ang sikat na aktres na ito.

Hindi man pala siya mangampanya ay kumikita pa rin naman daw ito nang malaki.

Tama ba ang nasagap naming chika na pinagkakakitaan daw nito ang kanyang Twitter account?

How?

By simply greeting some politicians. Me bayad daw ang pagbati nito sa mga pulitiko. Parang ang dating kasi ay ini-endorse na niya ito.

True ba itetch?

Naku, ang galing ng raket ng aktres na ito, ha? Very subtle ang pagkita niya ng datung.

 

BLIND ITEM 2: Malaking kahihiyan pala ang inabot ng isang TV personality nang malislisan siya ng palda while hosting her own program.

Hindi pala aware ang hitad na bumababa na ang kanyang palda. Mabuti na lang at maagap ang isang staff niya na kaagad gumawa ng paraan.

Hindi raw alam ng mga taong nanonood kung matatawa o maaawa sa TV personality dahil sa kanyang sinapit.

At para masigurong hindi pagpipiyestahan sa internet ang photos ng personality na ito ay isa-isang tiningnan ng staff ng programa ang lahat ng cellphones ng lahat ng nasa studio.

Kakakatawa ang eksena, ‘no?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING