Natuto na raw sa matinding kontrobersiya Rhian Ramos, ‘di pa ready sa bagong relasyon

ADVERTISING

Natuto na raw sa matinding kontrobersiya Rhian Ramos, ‘di pa ready sa bagong relasyon

Natuto na raw sa matinding kontrobersiya Rhian Ramos, ‘di pa ready sa bagong relasyon  DIRETSONG SINABI ni Rhian Ramos na nakapag-move on na siya sa matinding intrigang pinagdaanan niya.

ADVERTISING

Nagpasalamat ito sa kanyang pamilya, sa GMA-7 at sa kanyang mga fans dahil sa suportang ibinigay sa kanya nu’ng panahong may pinagdaanan siya.

Nu’ng humarap nga siya sa ilang reporters para sa pelikula niyang My Kontrabida Girl, nasasagot naman niya ang ilang isyu lalo na ‘yung ‘kontrabida’ sa buhay niya.

Hindi na raw siya apektado sa mga kung anu-anong pananakot sa kanya kaya bahala na raw kung meron pang maglabasan.

ADVERTISING

Pati nga ang mga na-link sa kanya na sina KC Montero at ang anak ni Sen. Panfilo Lacson na si Jec Lacson ay sinagot din ni Rhian dahil talagang magkaibigan lang daw sila. Humingi nga ito ng sorry dahil nadadamay pa sila sa mga ganu’ng intriga.

Siyempre, kaninong kaibigan ba si KC, pero sabi naman ni Rhian, mabait sa kanya si KC at nanatiling friends daw sila. Si Jec naman ay nakakasama raw niya ito sa church kaya wala raw malisya ang closeness nila. Nakilala raw niya ito kina Maxene Magalona at naging magkaibigan sila hanggang ngayon.

Hindi pa raw handa si Rhian sa panibagong relasyon at malaking leksyon daw ang natutunan niya sa napagdaanang isyu kaya dapat matuto na raw siya.

“Kung hindi pa ako natuto nito, ewan ko na lang,” natatawa niyang pahayag sa harap ng movie press.

Kaya sana nga, tuluyan nang makabalik si Rhian dahil gusto lang naman niyang makabawi sa mga pagkukulang niya noon lalo na sa pamilya niya.

Ngayong araw na pala magsu-showing ang My Kontrabida Girl, kung saan kasama niya rito si Aljur Abrenica.

In fairness, lalong gumuwapo rito si Aljur ha! Lalo na si Rhian na nakatulong yata ang ilang buwan ding bakasyon, kaya lalo itong gumanda.

 

NATAWA SI Aljur nang tinanong sa kanya kung ano ang reaksyon niya na ang tawag na sa kanya ngayon ni Kylie Padilla ay si Bumble Bee na.

Nanggaling kasi ‘yun sa tinawag siya ni Robin Padilla na bubuyog. Magmula nun, Bumble Bee na ang tawag ni Kylie sa kanya.

Natawa na lang ang young actor dahil lumalabas daw talaga ang pagiging palabiro ni Kylie. Hindi nga raw niya alam na ganu’n na pala ang tawag sa kanya. Kung ganu’n na nga raw, wala na raw siyang magagawa na marami na pala siyang pangalan.

Sabi pa ni Kylie, kung okay lang daw kay Aljur, ipapakilala niya ito sa kanyang Tita BB Gandanghari na dumating na pala galing Amerika.

Okay lang daw kay Aljur, dahil gusto nga raw niya itong makilala. Kaya lang, naloka siya nang sinabi ni Kylie na ipapakilala raw niya sa Tita BB niya, “Tita B, here’s another bee.”

Nakakaloka pala itong si Kylie ‘pag maglaro. Lalo nang si Aljur ang pinaglaruan niya.  Ito namang Aljur, parang kinikilig ha!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING