Nathalie Hart, walang takot sa pagpapa-sexy!

ADVERTISING

Nathalie Hart, walang takot sa pagpapa-sexy!

Nathalie Hart
Nathalie Hart

Nagpaka-daring nang husto si Nathalie Hart sa pelikulang “Siphayo” ng BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan, tatlong mag-aama ang tinuhog ni Nathalie – sina Luis Alandy, Joem Bascon, at Allan Paule.

Launching movie ito ni Nathalie at aminado ang aktres na masi-shock ang viewers sa mapanonood nila rito.

“There’s gonna be nude scenes. Ang pinag-usapan namin ni Direk Joel, na there’s nudity, R-18 talaga ang movie, there’s some scenes na frontal and back. Nagkaintindihan kami, napag-usapan namin iyon para maging artistic talaga.

“Trabaho lang ito, I did the role and I’m not gonna be accepting projects if the story doesn’t need it. I’m not comfortable and I usually don’t look at the preview in the screen. Because I can’t look at it, especially when I have love scenes,” wika ng aktres.

ADVERTISING

Ayon pa sa kanya, ang mga ganitong project ay mahirap daw palagpasin. “I think siguro, mahirap, it’s either kailangan ‘yung artista na gaganap ng role na ito, kailangan napaka-strong na tao or matapang.

“Kasi napakahirap ng gagawin talaga, as in biruin mo, magkakaron ako ng relasyon sa isang pamilya. Sa tatay at dalawang anak. Dalawa ‘yung anak, pero hindi ko sasabihin kung sino doon or whatever. Basta, it’s a very taboo story.”

Idinagdag pa ni Nathalie na malaki ang tiwala niya kay Direk Joel, kaya siya pumayag sa mga daring na eksena at love scene sa pelikulang ito.

“But at the end of the day I trust my director and it’s Joel Lamangan. It’s a daring project but I’m happy to work with director Joel Lamangan. I trust his work, that’s why I did it.”

Nagbigay siya ng kaunting patikim sa papel niya rito.

“‘Siphayo’ is about a nurse that came in the home of a family. She randomly enters the life of a simple family home and the random mysterious events happens. So, they have to check that out,” saad ng tisay na aktres.

Bukod sa “Siphayo”, ang iba pang projects ni Nathalie ay “Balatkayo”, “The Rebound” at “Tisay”. Ang huli ay entry sa Cinema One Originals.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING