Nathalie Hart, umiyak at nagkulong sa CR nang paghubarin sa pelikula

ADVERTISING

Nathalie Hart, umiyak at nagkulong sa CR nang paghubarin sa pelikula

Nathalie Hart
Nathalie Hart

 Aminado si Nathalie Hart na sobrang kabado siya nang tanggapin ang pelikulang “Siphayo” ng BG Productions International. Ito ang launching movie ng Pinay-Australian sexy actress at todo-daring ang role niya rito.

Shocking ang kuwento ng “Siphayo” dahil hindi lamang pagsasaluhan kundi pag-aagawan ng mag-aama si Nathalie na mauuwi sa bayolenteng trahedya. Si Allan Paule ang tatay, si Isabel Lopez ang asawang may sakit ni Allan, at mga anak nila sina Luis Alandy at Joem Bascon. Asawa ni Luis dito si Elora Espano. Magugulo ang mundo nila sa pagdating na napakagandang nurse na si Alice played by Nathalie.

“When I read the script, I’m shocked but very excited. It’s really a role of a lifetime, kaya hindi na ako nag-inarte. My role as Alice is so complex, very manipulative, very sexy, and unpredictable,” kuwento ni Nathalie.

Pero dumating daw siya sa puntong napaiyak at nagkulong sa CR nang paghubarin para sa love scene niya kay Luis.

ADVERTISING

“It’s not a porn movie, pero super daring po talaga. Kasi, mayroong frontal nudity and may back nudity.

“Para sa isang babae na maghububad ka na maraming tao sa paligid, napakahirap po niyon. Iba kasi kapag nandoon ka sa pelikula na nagsi-shoot pa lang kayo at iba ‘yung pinapanood na ito, na na-edit na. Maraming tao sa shooting at makikita nila lahat ang ginagawa mo and ibang usapan na siyempre iyon.

“Kasi siyempre, love scene iyon, hindi naman puwedeng hawakan lang iyong kamay ko dahil love scene nga po, e!” Mahabang saad ng aktres.

Esplika pa niya, “Pero maiintindihan naman po siguro ng direktor at ng mga producer na sina Ms. Baby Go at Romeo Lindain kung bakit ganoon. Hindi naman nila siguro ako sasabihan na may attitude ako.

“Kasi ang attitude, ‘di ba ‘yung may masamang ugali? Siguro emosyon, iyon ‘yung lumabas sa akin, kaya ako napaiyak at nagkulong sa CR.”

Natauhan lang daw siya nang sabihan ng director ng movie na si Direk Joel Lamangan na, ‘Im not a porn director.’

“Parang medyo kumalma po ako noong time na iyon. Kasi, alam ko naman po na respetado siyang director and alam ko rin naman po na hindi siya talaga porn director,” nangingiting saad ng aktres.

Pahabol pa niya, “Pero ang masasabi ko lang, mas naging feeling confident ako dahil dito at dream come true na maidirek ako ni Direk Joel. And happy po ako, kasi the fact na kasama sa New York filmfest itong Siphayo, napakalaking bagay nito. Na ang movie na pinaghirapan namin ay makikita sa ibang bansa, napaka-overwhelming talaga.”

Showing na ang “Siphayo” sa October 5 at may world premiere din ito sa New York ngayong October.

Kahit siksik ito sa mga eksenang nudity at karahasan, binigyan ito ng MTRCB ng R-16 ratings without cuts. Ginawang konsiderasyon ng MTRCB ang maayos na pagkagawa sa pelikula, magandang sinematograpiya, mahuhusay na pagganap ng mga artista, at social message sa kabuuan ng kuwento ng pelikula.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING