Nathalie Hart, umaming retokada ang boobs

ADVERTISING

Nathalie Hart, umaming retokada ang boobs

Nathalie Hart
Nathalie Hart

Hindi itinanggi ni Nathalie Hart na ilu-launch sa sexy-thriller na “Siphayo” ni Direk Joel Lamangan, produced by BG Productions International na nagpa-enhance siya ng boobs.

“Nagpa-enhance po talaga ako pero everything else, natural na. Dati B po ako, ngayon C na. Konti lang po ‘yung dinagdag, kasi 32 pa rin naman ang boobs ko.

“Ang ginagawa, kumuha ng dugo sa ‘yo, tapos ini-inject sa ‘yo. Galing ‘yon sa dugo mo, kaya natural. Walang operasyon. Kaya nga parang bagsak, ‘di ba? Tingnan mo, oh! ‘Di ba, parang wala lang,” sabay kapa ni Nathalie sa boobs niya na gusto pa yatang dukutin para ipakita sa amin. Hahaha!

Hindi na ba niya kakailanganin pa ng mas malaking boobs lalo na kapag bumongga na ang kanyang career after ipalabas ng “Siphayo”?

ADVERTISING

“Parang hindi na naman siguro. Kung may hugis naman ‘yung katawan mo at kung seksi ka naman, hindi mo naman kailangan ng malaking boobs, eh. Kailangan mo lang ng karisma. Siguro, dadaanin ko na lang sa emote-emote, sa projection, sa aura, at sa buhok mo na lang,” tawa pa niya.

Kasama ni Nathalie sa “Siphayo” sina Luis Alandy at Joem Bascon na pareho niyang nakasama sa love scene. Sina Joem at Luis ay magkapatid ang role sa pelikula pero ‘tinuhog’ sila ni Nathalie.

Nakakaloka!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING