Nathalie Hart, may frontal nudity sa launching movie

ADVERTISING

Nathalie Hart, may frontal nudity sa launching movie

Nathalie Hart
Nathalie Hart

Hindi muna maipalalabas sa mga sinehan ang launching movie ni Nathalie Hart na “Siphayo”. Ito ang ini-announce ng supervising producer ng pelikula na si Dennis Evangelista sa premiere showing ng pelikula sa SM Megamall last Monday.

Ayon kay Dennis, maghahanap sila ng mas magandang playdate para sa pelikula, lalo pa nga’t marami ang interesadong manood dito. Originally, October 5 nakatakdang ipalabas ang pelikula.

Sa napanood namin sa “Siphayo” masasabing walang takot si Nathalie sa pagbuyangyang ng kanyang boobs nang kulang ilang beses. Meron din siyang frontal nudity habang naliligo at kitang-kita dito ang kanyang keps.

Medyo nabitin naman ang mga beki sa ini-expect nilang pasilip sa bukol nina Luis Alandy at Joem Bascon na leading men ni Nathalie sa pelikula. Pero hataw naman si Joem sa pagpapakita ng kanyang puwet.

ADVERTISING

In fairness, matino ang pelikula, maganda ang cinematography at bongga ang twist nito sa ending na nagustuhan namin. Congratulations sa director nito na si Joel Lamangan at sa producer ng pelikula na si Ms. Baby Go.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING